Cyber Prayer

Romance Tonite

Usapang OFW

Payong Kapatid, Kuya Rom


Para sa mga gustong humingi ng payo, mag-email lang o sumulat sa Abante c/o Kuya Rom, Rm. 301 BF Condo. Building, Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.

PUBLIC SERVICE

Nasaan ka, Tatay?


Si Janine ay 35 years old na tipong artista. Ang kanyang mister na kasing edad niya ay magandang lalaki. May dalawa silang anak, isang guwapo at isang guwapa. Wala silang problema sa pera. Ang problema, natukso si mister na gawing kabit ang dati niyang girlfriend na mas bata sa kanya. Nakararanas daw ang lalaki ng "best sex" sa piling ng kerida niya. Ang tanong ni Janine, ano ang gagawin niya at paano niya makukumbinse ang kanyang mister na mali ang kanyang ginagawa at magbago siya. Ito ang huling bahagi ng payo para kay Janine.

Dear Janine,

Ang isang batas ng Diyos ay ito: Kung ano ang ibato mo sa itaas ay babagsak sa ibaba; ito ang batas na tinatawag nating "law of gravity." Maniwala ka man o hindi sa law of gravity, ito ay katotohanang patuloy na umiiral. Kung ikaw ay aakyat sa itaas ng isang puno at lumundag ka na parang ibon pababa, ikaw ay babagsak at maaaring mamatay dahil sinuway mo ang law of gravity.

Maniwala man o hindi ang mister mo sa batas ng Diyos tungkol sa sex, ito ay patuloy na umiiral sa daigdig. Kung ito ay hindi sinusunod, ang sinumang susuway dito ay makararanas ng kawalan ng kapayapaan, wasak na pamilya, at di-malirip na paghihirap ng loob, puso at kaluluwa.

Manampalataya man tayo sa Diyos o hindi, Diyos pa rin Siya na lumikha ng lahat ng bagay at patuloy na namamayani at nagmamahal sa lahat. Kung ang tao ay magbabalik-loob lamang sa Kanya, sundin ang Kanyang alituntunin at kalooban, makararanas tayo ng bagong buhay, isang buhay na ganap at kasiya-siya.

Tanong: Totoo ba ang sinasabi ng mister mo na ang "best sex" ay mararanasan sa ibang kandungan? Ang sagot ay hindi. Pinatunayan ito ng marami at matagal na pag-aaral sa America. Ang pag-aaral na ito ay kinikilalang "most authoritative" -- kinikilalang totoo at walang makapagsasabing mali.

Isa sa liwanag na nakita sa pag-aaral, ang National Health and Social Life Survey (NHSLS), ay ito: Walang katotohanan ang paniniwala ng mundo na ang pakikipagseks ng malaya (free sex) sa anumang oras, sa kahit kanino, at kahit saan man ay nagbibigay ng ganap na kasiyahan at kaligayahan.

Saan mararanasan ang best sex? Ang pag-aaral na ito na ginawa ng University of Chicago ay nagpapakita ng kakaibang sagot. Ang pinakasiya-siyang seks na nagbibigay ng ganap na ligaya at sigla ng katawan, puso at kaluluwa ay mararanasan lamang sa buhay ng kasal na mag-asawa.

Nadiskubre ng NHSLS ang mga sumusunod: (1) Sa lahat ng tao na aktibo sa seks, ang bilang ng mga kasal na mag-asawa ay mas nakararami sa pagsasabing ang kanilang pakikipagniig sa kani-kanilang asawa ang "pinakasiya-siya," "pinakapuno ng pag-ibig," "pinakahanap-hanap," "pinaka- thrilling." (2) Ang bilang ng mga mag-asawang tapat sa isa’t isa ay kakaunti sa pagsasabing ang pakikipagniig nila sa kani-kanilang asawa ay "di-kasiyasiya," "nakalulungkot,"nakakatakot" "nakakabalisa," "nakakakosensiya."

Ang interpretasyon sa pag-aaral na ito na nahayag sa U.S. News & World Report ay iisa ang sinasabi: "Ang malayang pakikipagseks sa kahit kanino na pinaniniwalaan o pinapantasya ng marami sa ngayon ay ‘di nagbibigay ng tunay na kasiyahan, at ang seks na nangyayari sa buhay ng kasal na mag-asawa ay mas kasiya-siya at halos walang problema."

Ano ang kalooban ng Diyos tungkol sa sex? Para lamang ito sa kasal na mag-asawa. Ang katotohanang ito ang dapat malaman ng iyong mister, tanggapin ito at isabuhay. Dito niya mararanasan ang tunay na "best sex." Ipabasa mo sa kanya ang artikulong ito. Nawa’y makatulong sa inyong mag-asawa ang aral na ito. God bless you!

Payong kapatid,

Kuya Rom

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top