|
EBIDENSYA SA BATASAN NAKUHA SA SAYYAF Impeachment natakpan ng Batasan bombing Erap boys tahimik sa bawi-yaman
|
TOP
STORIES
Bulacan gov susi sa bribery (Boyet Jadulco) Walang mararating ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa bribery scandal sa Malacañang kung hindi sisipot ang mga taong ipinatawag ng komite sa susunod na linggo. Ito ang inamin ni Sen. Francis "Chiz" Escudero dahil hindi umano sapat ang nakuha nilang impormasyon sa ibinigay na testimonya ni Pampanga Gov. Ed Panlilio kamakalawa. "Gov. Panlilio gave us his testimony on good faith, there’s no reason to doubt what he said doon sa hearing namin kahapon, subalit marami pa ring butas, marami pa ring kulang na impormasyon," pag-amin ni Escudero. Naniniwala ang senador na magkakaroon ng kaunting linaw ang paghahanap ng katotohanan ng komite ni Sen. Alan Peter Cayetano kung dadalo sa susunod na linggo si Bulacan Gov. Joselito Mendoza pati na rin ang mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC), kinatawan ng Bank of Commerce at ang opisyal ng Malacañang na lumiham kay Panlilio at nagsabing walang ibinigay na pera ang gobyerno sa lalawigan ng Pampanga. "Kulang pa ang nakalap naming impormasyon at sana sa mga darating na pagdinig dumalo sila," dagdag ng senador. Nagbabala naman si Cayetano na ipapa-contempt niya si Gov. Mendoza kung hindi ito sisipot sa susunod na linggo. Naniniwala si Cayetano na
si Mendoza ang susi para malaman kung saan nanggaling ang perang |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|