EBIDENSYA SA BATASAN NAKUHA SA SAYYAF

Impeachment natakpan ng Batasan bombing

Erap boys tahimik sa bawi-yaman

Bulacan gov susi sa bribery


Hulaan Blues

Crime Stories


TOP STORIES

Erap boys tahimik sa bawi-yaman

(Bernard Taguinod)


Tahimik at umiiwas ang mga supporters ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng paghahabol ng Sandiganbayan sa kayamanan ng pamilya Estrada.

Isang kongresista na dikit kay Estrada ang hiningan ng reaksyon ng TONITE subalit nakiusap ito na huwag muna siyang tanungin sa kaso ng dating Pangulo.

"Pass muna," ang tanging sagot ng opposition congressman na hindi na babanggitin ang pangalan nang tawagan para hingan ng reaksyon.

Isa pang kaalyado na kasa-kasama nito sa lahat ng aktibidad ng dating Pangulo mula nang pagkalooban ito ng pardon noong Oktubre 26, 2007 ang nagpakatanggi-tangging magbigay ng komento.

Maging ang mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay dumidistansya na sa kaso ni Estrada sa hindi malamang kadahilanan.

Kahapon ay nabawi na umano ng Sandiganbayan ang P215 milyong nakalagak sa Erap Muslim Youth Foundation, Inc. habang ang ibang ari-arian ng dating Pangulo ay tinartarget na ng korte. 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top