|
EBIDENSYA SA BATASAN NAKUHA SA SAYYAF Impeachment natakpan ng Batasan bombing Erap boys tahimik sa bawi-yaman
|
TOP
STORIES
Impeachment natakpan ng Batasan bombing (Bernard Taguinod) Aminado ang mga militanteng grupo na natakpan ng Batasan bombing ang dramang idudulot sana ng pagpatay ng mga alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa impeachment case laban sa kanya. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Liza Maza, hindi napansin ng taumbayan ang pagpatay ng House committee on justice sa Impeachment case na isinampa ni Atty. Roel Pulido laban kay Arroyo. "Natakpan ng Batasan bombing ang Impeachment. Although expected na namin, hindi nakakuha ng atensyon dahil mas nabahala ang mga pagbobomba sa Batasan," ani Maza. Ito ang dahilan kaya pinagdududahan ni Maza ang gobyerno sa naturang pagsabog dahil itinaon ito isang araw bago ang nakatakdang pagkatay ng Kamara sa impeachment complaint. Sinabi ni Maza na kaduda-duda ang timing ng pagsabog na ikinamatay ng 4 katao kabilang na si Basilan Rep. Wahab Akbar at pagkasugat ng 14 iba pa kasama na si Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan at Negros Oriental Rep. Henry Teves. Ipinagtanggol naman ni Albay Rep. Edcel Lagman ang ginawang pagpatay ng komite ni Quezon City Rep. Matias Defensor sa impeachment complaint ni Pulido. Ayon kay Lagman, walang dahilan para hindi ibasura ang reklamo ni Pulido dahil base sa isinampang kaso, hindi direktang sangkot sa katiwalian si Arroyo para akusahan ito ng "betrayal of public trust". Ipinaliwanag ni Lagman na pawang hearsay lamang ang alegasyon na sangkot si Arroyo sa ZTE-National Broadband Network (NBN) deal dahil ibinase lamang ni Pulido ang kanyang reklamo sa testimonya ni Jose de Venecia III sa Senado na ipinarating ni dating NEDA chief Sec. Romulo Neri sa Pangulo ang tangkang panunuhol nito sa kanya ng P200 milyon para aprubahan ang naturang kontrata. Aniya pa, hindi totoong walang ginawa si Arroyo matapos magsumbong si Neri sa tangkang panunuhol dahil kinansela nito ang ZTE-NBN deal. "With respect to the allegations that respondent President did nothing after Sec. Neri told him of the alledged P200 million bribe offered to him by Chairman (Benjamin) Abalos, the same does not constitute an impeachable offence," ani Lagman. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|