EBIDENSYA SA BATASAN NAKUHA SA SAYYAF

Impeachment natakpan ng Batasan bombing

Erap boys tahimik sa bawi-yaman

Bulacan gov susi sa bribery


Hulaan Blues

Crime Stories


TOP STORIES

Todas sa engkuwentro --- Nakahilera sa labas ng isang bahay sa Violago, Payatas, Quezon City ang bangkay ng tatlo kataong hinihinalang may kaugnayan umano sa naganap na pagpapasabog sa Batasan Complex kamakailan. Nakipagbarilan umano ang tatlo sa mga sumalakay na elemento ng pulisya at militar kahapon ng hapon. (Devery Mark Alegata)

EBIDENSYA SA BATASAN NAKUHA SA SAYYAF

Ni Bernard Taguinod


Igigisa sa gagawing imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Sgt-at-Arms at ang Police Security and Protection Office (PSPO) ng Philippine National Police (PNP) sa naganap na pagsabog sa Batasan Pambansa na ikinamatay ng
apat na katao kabilang na ang isang kongresista.

Halos lahat ng mga kongresista ay nananawagan na ng masusing imbestigasyon sa malagim na pag-atake sa Kongreso na ikinamatay ni Basilan Rep. Wahab Akbar at 3 pang empleyado ng Kamara at pagkasugat ng 2 mambabatas at 12 iba pa.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, maraming dapat ipaliwanag ang House Sgt-at-Arms na pinamumunuan ni Ret. Gen. Bayani Fabic at maging ang ground commander ng PSPO na nakatalaga sa Kamara.

Sinabi ni Joson na bago ang insidente noong Martes ng gabi, napansin nito na walang nakakalat na security mula sa tanggapan ni Fabic at PSPO sa Batasan Complex.

"Karaniwan nakakalat ang mga iyan (security) sa labas pero noong maganap ang pagsabog, wala sila sa ground. Nasaan sila? Ano ang ginagawa nila ng oras na iyon?" tanong ni Joson.

Dapat umanong itinanong kina Fabic kung bakit wala silang bantay sa ground ng Batasan Complex kaya nakapuslit ang motorsiklong pinagtaniman ng bomba na pumatay kina Akbar.

Maliban dito, kapansin-pansin din umano na walang sumaklolong mga police security o kaya’y House security sa mga biktima ng pagsabog kaya lalong nagduda ang kongresista na iniwanan ng mga ito ang kanilang trabaho at nagpabaya nang husto.

Tanging ang mga civilian employees ng Kamara ang tumulong kina Iloilo Rep. Jeanette Garin, Aurora Rep. Edgardo "Sonny" Angara at CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva para saklolohan ang mga biktima ng pagsabog.

"Kung tingnan n’yo ‘yung footage, walang police o kaya House security. Dapat nanduon kaagad sila sa blast site para tumulong pero bakit wala sila. Marami silang dapat ipaliwanag," dagdag pa ng kongresista.

Katarungan naman ang hinihingi ng mga Lady Legislator na pinamumunuan ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar sa naganap na trahedya sa loob mismo ng Batasan Complex.

Samantala, ikinakasa na ng liderato ng Kamara ang high-tech security para sa Batasan Complex.

Kamakalawa ng gabi ay itinatag ni House Speaker Jose de Venecia Jr., ang "special committee" na magpaplano para ayusin ang security measures sa Batasan Pambansa.

Agad namang nagpulong ang special committee na binubuo nina House committee on national defense chairman Rep. Arthur Celeste,  House committee on peace and order chairman Rep. Rodolfo Antonino at House deputy minority leader Roilo Golez.

"Kailangang i-upgrade lahat para matiyak na hindi magkakaroon ng security lapses ulit," pahayag ni Golez dahil walang rekord ang Kamara sa kanilang spy camera kung sino ang nagparada ng motorsiklong pinagtaniman ng bomba.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top