|
|
HULAAN
BLUES
Usec nag-reimburse ng gastos sa night club (Rey Marfil) Sa halip maging ehemplo sa mga government workers, lalo pang pinatunayan ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagiging garapal sa paglikha ng mga kabulastugan matapos i-reimburse ang ginastos sa pagbabad sa mga night club. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang simpleng pagiging ‘Boy Tsibog’ ang itinatagong baho ni Palace boy matapos madiskubreng pinakargo, as in siningil sa bulsa ni Juan Dela Cruz ang ginastos sa pambababae, partikular ang binayad sa ‘pag-clubbing’, maging ang ipinang-areglo sa mga guest relation officer (GRO). Dahil nabigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno, nagyabang sa mga dating kasamahan sa trabaho si Boy Tsibog, patunay ang pag-imbita sa mga ‘ex-housemates’ upang ilibre ng inom ang mga kalalakihang katropa nito. Halos magpakalunod sa alak
ang mga inimbitahan ni Undersecretary (Usec) at pagpasasaan ng mga
ex-housemates ang katawan ng mga guest relations officer (GRO), partikular
sa premyadong night club sa kahabaan ng Quezon Halos magdamagan ang inuman
kung kaya’t malaki ang binayaran ni Undersecretary, katumbas ang
humigit-kumulang sa P30,000 dahil libre ang kanilang kuwarto, pulutan at Dahil malakas uminom ang mga kaparehang bebot ng pitong ex-housemates, malaki ang binayaran ni Undersecretary sa night club kung saan hindi naman problema ang pera sa opisyal lalo pa’t nagmula sa mayamang pamilya ang kumag. Tanging ikinasusuka ng mga naglipanang kurimaw sa Malacañang ay humingi ng resibo si Usec at ipinag-utos sa waiter na ilagay ang katagang ‘meals’. Lingid sa kaalaman ng mga ex-housemates, meron ibang motibo si Undersecretary sa paghingi ng resibo at pagpalista sa kanilang ginastos bilang ‘meals’, as in planong ipa-reimburse sa gobyerno ang kabuuang ibinayad sa night club. Katulad ng inaasahan, nasiningil ni Usec ang ginastos sa pagna-night club, as in kumita sa sariling kalokohan, gamit ang mga dating kaopisina, at naging masaya pa dahil nagbuhay-hari habang kaulayaw ang mga GRO. Clue: Masuwerteng nabigyan
ng puwesto sa Malacañang si Boy Tsibog, gamit ang impluwensya ng isa sa
anak ni Mrs. Arroyo kung saan natakot sa Edsa Dos kaya’t
|
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||
|
|