|
|
EDITORIAL
‘Di tinutulugan ang kaso
Inamin ng Philippine Army na siyang nanguna sa operasyon na pinagsususpetsahang may kinalaman sa madugong pambobomba sa Batasan Complex ang tatlong napatay. Dahil hangad natin ang agarang pagresolba sa malagim na pambobombang naganap, natutuwa tayong malaman na may nangyayari, na lumalakad ang kaso at hindi tinutulugan ng mga awtoridad kaya’t nagpositibo ang lakad ng mga awtoridad. Pero gaano kaya kasigurado ang militar at pulisya na mga suspek nga sa pambobomba sa Batasan ang tatlong napatay? Nangangamba tayong baka nagmamadali lamang ang mga awtoridad na maresolba ang kaso kaya’t ganoon kabilis ang kanilang operasyon. Gayunman, umaasa kaming walang lulutang na pamilya ng mga napatay at sisigaw na fall guy ang tatlo. Hindi na kasi bago sa pandinig ng publiko ang ganitong senaryo na matapos ang isang krimen lalo na ang ganitong pangyayari sa Batasan Complex ay magkakaroon ng operasyon at papalabasing mga suspek ang mapapatay sa isang engkuwentro. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|