NOVEMBER 08, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
November 07, 2012
As of 4:00 pm
U. States 41.0403
Bahrain Dinar 108.852
Can Dollar 41.5076
Euro 52.7461
Aus Dollar 42.9749
HK Dollar 5.29524
Japan Yen 0.511389
Saudi Riyal 10.9430
S’pore Dollar 33.6137
Taiwan Dollar 1.40949
UAE Dirham 11.1736
UK Pound 65.7777
 
Custom Search
Jodi, malaki ang kontribusyon kay Jolo
GORGY RULA

 

NAKAPILI na ang GMA 7 ng mga bagong mukha na magiging bida sa pagbabalik ng TGIS.

Ayon kay direk Mark Reyes, ito pa rin ang da­ting TGIS pero ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kumpara sa mga kabataang TGIS noon.

Dumaan sa audition ang mga napili, maliban sa winners ng Protégé na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Ang iba ay nanggaling sa ibang paaralan at mukhang maganda ang family background.
Ipapakilala sila sa Startalk sa Sabado.

Kabilang sa mga nakapasok ang anak nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na si Gianna, ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Gabriel at si Arkin ni Pia Magalona.

Maganda ang line-up dahil ang guguwapo at ang gaganda nila na mukhang hahakot ng fans.

Lamang na dito sina Jeric at Thea dahil nakaipon na sila ng fans mula sa Protégé.

Kamakalawa nang gabi lang sila nagkita-kita at kaagad naging kumportable na sila sa isa't isa.

Excited si Direk Mark sa bagong sibol na mga artista dahil malaking challenge sa kanya na kung hindi mahigitan, dapat mapantayan man lang ang unang grupo ng TGIS.

Ang isa pang inte­resting na kuwento rito ay kasali sina Angelu de Leon at Bobby Andrews na mas nakila­lang si Peachy at Joaquin sa youth-oriented show na iyun.

Sabi pa ni Direk Mark, may participation din dito at maaring sumulpot ang mga pinasikat ng TGIS gaya nina Dingdong Dantes, Onemig Bondoc, Michael Flores, Red Sternberg at ang ilan pang nandito lang sa bansa.

***

Sinamahan ni Lani Mercado si Gianna sa meeting ng TGIS at natuwa siya dahil nakikita niya sa anak niyang excited ito sa bagong gagawin.

Charming si Gianna at mukhang pan-showbiz talaga pero paulit-ulit na sinasabihan siya ng kanyang magulang na dapat ay prioritized pa rin ang pag-aaral.

"Hindi ibig sabihin nito na pinasok na niya ang industriya namin ng Papa niya ay kalimutan na niya ang pag-aaral niya. Priority pa rin ang pag-aaral.

"Pero dapat bigyan din niya ng pansin ang craft na ito. Hindi dahil anak ka ng artista, nandiyan ka.

Dapat patunayan mo rin ang worth mo kung karapat-dapat ka ba sa industriyang ito," pahayag ni Lani.

Pagdating kay Jolo Revilla ay tipid ang mga sagot ni Lani.

Pagkatapos dumalo si Jodi Sta. Maria at ang ibang kasamahan sa Be Careful With My Heart sa fiesta ng Brgy. Pana­paan kung saan barangay captain si Jolo, nakita na roon ang tunay nilang relasyon at hindi na nila ito itinatago.

Kinikilig ang mga taga-Bacoor kapag magkasama ang dalawa lalo na nu'ng pinupunasan pa ni Jolo ang mukha ni Jodi habang kuma­kanta ito kasama si Papa Chen.

Sabi ni Lani, masaya sila para kay Jolo dahil nakikita nilang masaya si Jolo at in love ito kay Jodi.

"They inspire each other, 'yun ang nakikita ko sa kanila," tipid niyang sagot.

Sabi ni Jolo at kahit si Bryann, sinasabi nila na sakaling mag-asawa sila, ang gusto nilang babae ay kagaya ng kanilang ina.

Kaya tinanong namin si Lani kung nakikita ba niya kay Jodi ang mga katangian niya na gusto ni Jolo.
"Tanungin natin si Jolo," napangiti niyang sagot.

"Basta ang alam ko, malaki ang kontribusyon ni Jodi sa mga nangyayari sa buhay ni Jolo," pahayag pa ni Lani.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION