Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang isang Filipino truck driver na isinangkot sa malagim na tanker explosion sa Riyadh kung saan lagpas sa 20-katao ang nasawi at mahigit 100 pa ang nasugatan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Sa unang pagkakataon nakaharap ni Ginang Milagros Magalang ang mag-utol na Rollyn at Roel Gacita Jr. nang iharap ang mga ito sa piskalya sa Imus, Cavite kahapon upang pormal na sampahan ng kaso kaugnay ng karumal-dumal na pagpatay sa kanyang anak na si Cyrish, ang UST graduate na pinaslang ng mag-utol sa Bacoor ng nasabing lalawigan. (Arnold Bandala)
Nagsalimbayan ang mga braso sa ere nang hambalusin ni Atlanta Hawks guard Louis Williams (3) ang bola mula kay Oklahoma City Thunder guard Kevin Martin (kanan). Iginapos ng Hawks ang Thunder, 104-95. (AP)
Tinapos ng Philippine Volcanoes ang kampanya ng taon na may malaking pasabog nakasiguro na sila ng spot sa 2013 Rugby World Cup Sevens.