November 1, 2009 Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Pauleen, sinampal ng lola sa mall

 

PALABAN si Joy Viado kay Roselle Nava at sa bandang Hale sa concert ngayong Linggo sa Centennial Garden ng Sta. Rosa, Laguna.

Magpapasikat naman sina Tom Molina at Mon Favilla sa fashion segment ng palabas.

Tampok din dito ang Nitro Girls na endorser ng Nitro Energy Drink. Sponsor ng nasabing event ang Etta’s Whitening Powder.

***

Macho Guapitos vs. The Babylicious!
Matindi ang pasiklaban sa Halloween episode ng BandaOke ngayong gabi sa GMA 7.

Ang Macho Guapitos ay binubuo nina Nonoy Zuñiga, Rey Valera & Marco Sison. Coach nila si Rico J. Puno.

Kabilang sa Babylicious sina Vaness del Moral, Glaiza de Castro at Daiana Menezes. Coach nila si Giselle Sanchez.

Mapataob kaya ng mga seksi ang mga beterano?

***

Effective si Pauleen sa pagiging kontrabida sa teledramang Ikaw Sana kaya nu’ng minsang naglalakad siya sa mall ay bigla siyang sinampal ng isang lola sabay sabing, “Ang sama-sama mo!”

Todo paliwanag naman si Pauleen na ginagawa lamang niya ang kanyang papel bilang Sofia at hindi ibig sabihin ay salbahe siya sa totoong buhay.
Samantala, maba­balitaan ni Sofia (Pauleen Luna) na napawalang sala na si Eliza (Jennylyn Mercado).

Ipapangako ni Loreta (Maritoni Fernandez) kay Sofia na gagawin niya ang lahat huwag lang maka­balik sa buhay ni Michael (Mark Herras) si Eliza.

***

Simula bukas (Lunes, Nobyembre 2), alamin kung kayang talikuran nina Chuck at Cecil ang lahat para patunayan na “first love never dies” bagkus “tumatanda lang” sa pagtatapos ng Last Romance.

Naguguluhan ang movie star na si Chuck kung pipiliin ba niya ang lalong tumitinding damdamin niya para kay Cecil o ang lalong lumalago niyang career.
Oras na malaman ng media na umiibig siya sa isang ‘mature’ na babae at mabuko ang kanyang tunay na edad, maaaring mawala ang lahat. Patuloy kayang pag­laban ni Chuck ang kanyang nararamdaman o iba­on na lang niya ito kapalit ng maginha­wang buhay?

***

May bagong talent search ang SiS para sa mga tsikiting… ang SiS Hit Bulilit!
Inaanyayahan ang lahat ng talentadong bata na 5-10 y/o, puwedeng solo or grupo, na mag-audition bukas (Nobyembre 2) sa SM Valenzuela.

Makikisaya rito sina Janice de Belen, Tessbomb, Aljur Abrenica, Kris Bernal at ang Abztract Dancers.

Ang mag-o-audition ay kailangang magdala ng original at photocopy ng birth certificate, at whole body at close-up photos.  

***

Mula sa pinasikat na kanta ng isang Korean pop girl group, narito ang nobelang magpapaindak sa inyong mga puso.

Kabilang sa mga bagong titulo ng My Special Valentine (MSV) pocketbooks, ihahatid nito ang mambabasa sa mataas na antas ng pag-ibig at pagnanasa.
Agapan ang kopya ng mga sumusunod na libro ng Bookware Publi­shing Corporation: Nobody But You, Flight of Love, My Lucky Charm, Stolen Moments, Till I Met You, Home At Last, Make Me Yours, Private Arrangements, Raising The Stakes, Waiting to Fall, Playing for Keeps at Learning to Breath.

Inaanyayahan ng kumpanya ang lahat na bisitahin ang kanilang website sa www.bookwarepublishing.com para makita ang latest relea­ses, magkomento at magmungkahi.

Sa nais magpadala ng manuscripts para sa eva­luation, tumawag sa tel.# 986-7179.

***

Nilibot ng Canadian immigration lawyer na si Stacey Belding ang iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon sa Pilipinas upang bigyang-diin ang pagsisikap ng pamahalaan ng Canada na mahikayat ang marami pang Pilipino na manirahan, magtrabaho o mag-aral sa kanilang bansa.

Si Belding ay bahagi ng Philippine consu­lar services team sa Winnipeg, Manitoba.

Sa mga dagdag na kaalaman, mag-email sa immigration@cfblaw.ca o bisitahin ang kanyang website sa www.staceybelding.ca



 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES