|
BANGKAY NATAGPUAN SA UMALINGASAW NA AMOY Bumbero ninakawan,estudyante nadukutan Nigerian nabitag sa nakaw na credit card 2 jail guard sabit sa namatay na preso Kelot tigok sa live-in partner Purok leader todas sa magkakapatid
|
CRIME
STORIES
BANGKAY NATAGPUAN SA UMALINGASAW NA AMOY Ni Aries Cano Dulot ng pag-alingasaw ng masangsang na amoy nadiskubre ang bangkay ng isang 41-an-yos na masahista sa loob ng kuwarto nito sa Sampaloc, Maynila kagabi. Tinatayang ilang oras ng patay bago pa tuluyang nadiskubre ang nangyari sa biktima na nakilalang si Dennis Mostales, huling naninirahan sa 1898 Mindanao St., Balic-Balic, Sampaloc, Maynila. Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 kagabi ng matagpuan ang nakahandusay at patay ng biktima. Umalingasaw umano ang masangsang na amoy at inakala pa ng mga residente na mayroong patay na hayop. Nang matunton ang lugar na pinanggagalingan ng amoy, nasilayan ang nakahandusay na biktima. Una pa umanong nakasarado ang pintuan ng tinutuluyan ng biktima pero sa pamamagitan ng tiyahin nito na si Susana Giray ay nabuksan ang tirahan. Napag-alaman na Sabado ng hapon umano ng makita pang palakad-lakad ang biktima. May iniinda rin umanong sakit at magkaminsa’y hinihimatay pa ang naturang biktima. Hinihinala namang nabagok ang biktima dahil sa nakitang sugat nito sa likurang bahagi ng ulo. Sa kabila nito, naniniwala naman ang mga awtoridad hinggil sa posibilidad na inatake ng sakit hanggang sa bumagsak at tulu-yang binawian ng buhay ang biktima. Samantala, nadisku-breng wala na ring buhay kahapon ng hapon sa Maynila ang isang binata na may sakit umanong tuberculosis at sinasabing makailang ulit nang ipinagamot pero lagi lamang tumatakas sa ospital. Nakilala ang biktima sa alyas na Jon Jon Dela Cruz, 31-anyos, scavenger at walang pirmihang tirahan. Sa ulat ng MPD-Homicide Section, bandang alas-2:30 kahapon ng hapon ng madiskubreng wala ng buhay ang biktima sa Banquero at Muelle Del Nacional (sa likuran ng Prudential Bank) sa Sta. Cruz, Maynila. Nabatid na may sakit umanong TB ang biktima at narinig pang dumaraing ilang oras bago ito nadiskubreng wala ng buhay.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|