May 27, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  “Toy Bulldog” Ursua pumanaw na
 

Sumakabilang-buhay na si Dommy Ursua noong Linggo. Siya ay 72-anyos.
Nakilala sa ibabaw ng ring bilang “Toy Bulldog,” si Ursua ay matatandaang dalawang beses lumaban sa world flyweight title, pero natalo ng 15-round decision sa kamay ni Pascual Perez ng Argentina at 11th round TKO laban kay Raul Macias.

Ang 4’11” na dating flyweight campaigner, ay mas maaalala sa kanyang laban at panalo kay Ring Magazine’s No. 1 ranked Memo Diez, sa pamamagitan ng 10-round decision sa Stockton, California noong Disyembre 11, 1956.

Pinabagsak ni Ursua ang kalaban sa rounds three at six.
Ngunit, nang maubos ang naipong pera, namuhay na parang isang pulubi si Ursua sa Cordova, Cebu.

Bagama’t hindi impre­sibo ang kanyang ring records noong siya’y nagbo­boksing pa (26-28 win-loss, 20 KO), isa siya sa ikinukunsiderang pinaka-exciting fighter sa mundo.

Natalo si Urusa sa kanyang huling anim na laban, isa na ang laban kay Leo Zulueta at tuluyan nang isinabit ang kanyang mga gloves nang matalo kay Young Aquino noong Hunyo 11, 1961.

Ang labi ni Ursua ay nakahimlay sa St. Francis Funeral Homes sa Cebu City, kung saan si boxing patron Tony Aldeguer ang nag-aa­sikaso at naghahanap ng pondo para sa gastusin.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES