SA teleseryeng May Bukas Pa, makikidnap si Santino (Zaijian Jaranilla) ng isang di sindikato. Maaalarma ang buong baryo ng Bagong Pag-asa.
Sino ang kumidnap sa Miracle Boy? Paano siya maililigtas?
Alamin ang mga kasagutan sa May Bukas Pa, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.
***
Lalong kapananabikan ang kuwento ng teleseryeng Tayong Dalawa sa ABS-CBN.
Matapos tamaan ng baril, nalagay si JR (Gerald Anderson) sa malubhang kondisyon at kailangang sumailalim sa isang kidney transplant.
Si Dave (Jake Cuenca), bilang kanyang kambal, ang tanging katugma nito.
Sa kagustuhang masalba ang buhay ni JR, hihingin ni Audrey (Kim Chiu) ang tulong ni Dave.
Papayag si Dave ngunit sa isang kundisyon...
***
Noong pumutok ang tsika na may sex video si Dr. Hayden Kho kina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto, lahat sila ay nag-deny.
Nang lumabas ang Careless Whisper video, natuwa pa raw si Katrina dahil ang sexy-sexy niya.
Lumabas ang sex video.
“Binaboy ako!” sabi ni Katrina.
Lumutang na 40 umano ang sex videos ni Hayden.
Tatlo lang daw, dabi ng kampo nito. Iyun ngang kasama ang Kapusong si Katrina, ang Kapamilyang si Maricar Reyes, at isang Brazilian model.
Eh may sex video raw kasama si Dra. Vicki Belo, ah?!
“Wala!” mataginting na bulalas ng isang abogado ni Dra. Belo na nagpunta sa NBI noong Biyernes.
Noong Biyernes nang gabi, umamin ang isa pang abogado ni Dra. Belo, ang gwapong si Atty. Adel Tamano, na may sex video nga si doktora kay Hayden.
So, apat na ang kumpirmadong sex video ni Dr. Kho.
May mga nagsasabi na napanood nila ang video na bini-BJ ni Rufa Mae ang kontrobersyal na doktor.
Lumulutang din ang pangalan ng isa pang sikat na aktres sa eskandalong ito.
|