May 25, 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Jiro at Vanessa, wagi sa Mossimo 2009
(ABU TILAMZIK)
 

PUNUNG-PUNO ang Sky­dome ng SM North Edsa nu’ng Sabado nang gabi kung saan ginanap ang Mossimo Bikini Summit 2009.
Ang nagwagi ay sina Jiro Shirakawa at Vanessa Dime (na kamukha ni Mia Prats).
First runner-up sina Angelo Cacciatore at Rachelle Bustamante. Second runner-up sina Mark Manicad at Sharia O’Hara.
Maraming magagandang babaeng kalahok sa Mossimo at okay rin ang guys pero ang ilang guwapo at magagaling ay nakakapagtakang hindi man lang nakapasok sa top 6.
Okay na sana kung may karapatan ang ilang napasali sa anim pero wala talaga silang karapatan.
Hindi man lang nakapasok sa top 6 ang isa sa mga paborito ng audience na si Lemuel Pelayo, ang cute na commercial mo­del ng Voice biscuit na bukas ang zipper.
Paborito rin ng karamihan at may karapatan naman ang Starstruck avenger na si Dex Quindoza pero hindi rin nakapasok sa top 6.
Choice ‘yun ng mga hurado kaya wala na ta­yong magagawa.
Ang tanging nagawa na lang namin ay lisanin ang lugar na iyun lalo na’t hindi nakakatuwa ang kabuuan ng show.
Very 80s at nilulumot ang concept ni Direk Fritz Ynfante.
Na-miss na yata niya ang mga ginagawa niya sa RSVP, Penthouse Live at iba pang nagawa niyang variety shows, kaya ibinabalik nito sa Mossimo pati ang music na ginamit na napapasabay pa sa pagkanta si Mommy Adela.
Mossimo pa naman ang pinu-promote kaya dapat bago dahil nag-i-introduce sila ng mga bagong trend sa kanilang mga collection.
Sana, makabagong director ang kinuha para maganda, mabilis at exciting ang kalalabasan nitong bikini summit nila.
Ang isa pang ikinataas namin ng kilay at tuluyan nang nag-walkout si Momnmy Adela ay ang pagbigay ng para­ngal sa mismong director ng show na si Fritz Ynfante.
Tamang venue bang bigyan siya ng parangal sa isang patimpalak na siya rin ang nagdirek?

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES