May 25, 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Rochelle, muntik nang matuklap ang balat
Allan Diones
 

NAKARAY kami ni Tita Malou Fagar sa birthday show ni Rochelle Pangilinan nu’ng Sabado nang gabi sa Zirkoh-Greenhills.
Puno ang Zirkoh at in fairness ay nag-enjoy kami sa show ni Rochelle kasama ng grupo niyang Sexbomb.
May drama ang Jai Ho opening number ni Rochelle na galing sa taas ay bumaba siya papunta sa stage gamit ang isang malaking lambat.
Nag-i-split pa siya habang nagkukunyapit sa lambat kaya sabi niya ay muntik matuklap ang balat niya sa gimik niyang ‘yon.
Sinundan niya ang Pussycat Dolls number na ‘yon ng Womanizer (ni Britney Spears) at Poker Face (ni Lady Gaga).
Nag-duet sila ni Gloc9, na teacher daw niya pagdating sa pagra-rap. Applauded din ang solo portion ni Gloc9, na hanep ang bilis ng bibig pag bumabanat ng rap.
Para sa mga barako sa audience ang sexy dance number na nakasuot siya ng pulang negligee at may niyayakap-yakap na unan.
Pagkatapos ng ala-Mystika na portion na ‘yon ni Rochelle ay hinubad niya ang nakapatong na negligee at inilantad ang kanyang mala-two-piece na sexy outfit.
In fairness ay ang sexy ng hitad at very toned ang katawan. Bukod kay Gloc9 ay guest din niya ang R&B singer na si Kris Lawrence (na ex-boyfriend ni Katrina Halili).
May dayalog si Kris sa audience na tungkol sa mga nangyayari ngayon, sabay tanong ng, “Careless Whisper, gusto n’yo?” na sinagot ng crowd ng malakas na “Oo!!” with matching tilian.
Careless Whisper ang carrier single ng bagong album ni Kris, pero hindi niya ito kinanta sa show ni Rochelle.
Hindi niya yata maatim awitin ang infamous song ni Dr. Hayden Kho Jr. sa erotic dance video nito kasama si Katrina.
Love, Sex & Magic (nina Ciara at Justin Timberlake) ang duet nina Kris at Rochelle na may kasama ring sayaw, pero hindi sexy dance ala-Careless Whisper nina Hayden-Katrina.
Naka-wedding gown si Rochelle nang awitin niya ang You’re Still The One (ni Shania Twain), tapos ay unti-unting tinanggal ang kanyang mahabang damit at segue sa interpretative dance na Bleeding Love (ni Leona Lewis).   
Tapos ay nag-belly dancing siya nang bonggang-bongga habang kumakanta ng Whenever, Wherever (ni Shakira). Tilian ang audience nang umakyat sa stage si Arthur Solinap na may dalang birthday cake (27th birthday ni Rochelle nu’ng mismong araw na ‘yon).
Ang lakas ng hiyawan nang biglang tumugtog sa background ang Careless Whisper.
Pabirong sumayaw nang konti si Arthur sa tabi ni Rochelle. Pa-girl ang birthday girl na tila kilig na kilig sa kanyang rumored boyfriend.
Sing and dance si Rochelle ng Single Ladies (ni Beyonce) sa kanyang finale number. After the show ay tinanong namin si Arthur kung gaano katagal na sila ni Rochelle, pero tumawa lang ito at yumakap sa amin.
***
Mas mahirap para kay Emilio Garcia ang mamuwersa kesa ‘yung siya ang pinupuwersa sa sex.
Sa gay flick na Walang Kawala ay siya ang pumuwersa kina Polo Ravales at Joseph Bitangcol, pero sa indie film na Tutok ay siya ang puwersahang tinira nang patalikod ni Ian de Leon.
Ambisyosong TV reporter ang role ni Emilio sa Tutok, kaya kahit tinitira na siya sa puwet ay gusto niya pa ring makunan ito ng kanyang crew para maipalabas niya sa TV sa kagustuhan niyang makilala at sumikat.
Sey ni Emilio, akting lang ang ginawa nilang sodomy scene ni Ian at walang tunay na ‘tutukan’ na naganap.
Kahit nalilinya sa gay movies ay hindi raw puro kabadingan ang ginagawa ni Emilio. Kasama siya sa indie film na Dukot na tungkol sa human rights at sa Bente na isa ring seryosong pelikula.
Bakit ba lalaking-lalaki si Emilio, pero parang natural na natural siya pag gumaganap na bading?
“Ako kasi, sa bawat role na ginagawa ko, nagri-research ako o nag-o-observe ako ng mga tao kung paano sila. Katulad nitong karakter ko sa Tutok, medyo loud siya at alam niyang magaling siya, pero hindi siya napapansin, so, gagawin niya lahat para makilala siya,” sagot ni Emilio.
Hindi ba niya nadadala sa totoong buhay ang gay roles na ginagampanan niya?
“Hindi naman, awa ng Diyos! Sasabihan ko kayo kung sakali! Ha! Ha! Ha! Pero masaya pala ang mundo ng mga bading!”

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES