NAGPATAWAG ng presscon nu’ng Biyernes nang gabi ang abogado ni Dra. Vicki Belo na si Atty. Adel Tamano para kumpirmahing meron nang kumakalat na sex video sina Dr. Hayden Kho at Dra. Belo.
Aware si Dra. Belo na meron din silang sex video at inaasahan nang kakalat din ito dahil maaring kasama ito sa file nina Katrina Halili, Maricar Reyes at isang Brazilian model.
Pahayag ni Atty. Tamano, “Definitely, victim si Dr. Belo dito. I mean, let’s make that very clear. I think the biggest, perhaps the biggest victim here is Dra. Belo because she really trusted Dr. Kho, her expectation was ‘yung sex video nila would be deleted right after, na totally private ito.” 
Sa kabila ng ganitong eskandalo, nandiyan pa rin ni Dra. Belo para kay Hayden.
Suportado pa rin ni Dra. Belo si Hayden kahit ipinagdiinan ni Atty. Tamano na wala nang relasyon ang dalawa mula pa nu’ng nag-break sila nung nakaraang taon.
Paliwanag ni Atty. Tamano, kilala si Dra. Belo na lahat ng ex-boyfriend nito at kahit ang ex-husband ay naging kaibigan pa rin nito.
Hindi maiwasang nagkaroon ng pagkakataong nagkita ang dalawa at nagkakausap bilang magkaibigan.
Taliwas ito sa pahayag ng abugado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan na tuloy pa rin ang relasyon ng kanyang kliyente kay Dra. Belo.
Hindi rin deretsahang sinagot ni Atty. Tamano kung galit ba si Dra. Belo dahil sa lumabas na sex video nila ni Hayden.
“To be very honest, she did not tell me in those words directly that ‘I felt betrayed,’ that the video was not deleted.
“Obviously by the fact meron silang agreement at hindi natupad, I think it’s quite understandable to feel na meron na for her to feel that there’s a breach of trust,” pahayag ni Atty. Tamano.
Ilang beses na nilinaw ni Atty. Tamano na hindi kasama sa mga akusado si Dra. Belo. Maaaring sangkot lang siya at isa mga witness na ipatatawag kapag umakyat na ang kasong ito.
***
Si Manay Lolit Solis na isa sa pinakamalapit kay Dra. Belo ay open na ang pagtuligsa kay Hayden.
Nagpasintabi na rin si Manay Lolit kay Dra. Belo na hindi talaga niya matanggap si Hayden. 
“Sinasabi pa niya (Hayden) na sana, someday people will learn to condemn the sin and not the sinner. Ano ‘yun?
“Paano mo tatanggapin ang apology niya, nu’ng unang paghaharap namin, wala man lang akong nakitang remorse sa kanya. Sinisisi pa ang lahat.
“Siya lang ang walang kasalanan? Siya ang tinukso ni Katrina, pati iyung ibang babae, sila naman daw ang pumupunta sa kanya.
“Si Eric (Chua) ang may kasalanan at hindi siya. Paano mo ngayon paniniwalaan ang statement na inilabas niya?” pagsisintir ni Manay Lolit.
Muling sinabi ni Manay Lolit na nandiyan pa rin ang suporta at pagmamahal niya kay Dra. Belo pero ang hindi lang niya matanggap ay ang patuloy na pagmamahal nito kay Dr. Hayden.
Wala na raw siyang magagawa kung patuloy itong bulag, kaya isa na lang daw siya sa nananalangin na sana’y magising na si Dra. Belo.
Ang isa pa raw sa hindi matanggap ni Manay Lolit ay nakikita mo sa sex video na iyun na ginagawa raw ni Dr. Hayden ang kahalayan sa mismong kama kung saan doon niya nakaulayaw si Dra. Belo na nagbabayad ng condo unit na tinutuluyan nito.
***
Hindi namin alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Dra. Belo, kaya mahirap magbigay ng opinion.
Base sa naobserbahan namin, sana’y magising na si Dra. Belo. Isa kami sa nananalangin na mapagtanto niya kung tama ba itong ipinaglalaban niya.
Sayang kasi ang sobrang kabaitan ni Dra. Belo na nakikita nating lahat na sa kabila ng ginawa sa kanya ni Dr. Hayden ay hindi pa rin niya ito pwedeng iwanan dahil alam niyang kailangang-kailangan siya nito sa panahong ito.
Sana, isipin din ni Dra. Belo na napakabait sa kanya ng Diyos dahil heto ka’t pilit na ipinapakita at ipinapadama sa kanya na dapat na siyang magising at mahalin na muna niya ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya.
Maaring ito na iyung signs na dapat na siyang magising. Una, ang insidenteng kinasangkutan ni Dr. Hayden na may isang buhay pang nawala. Pangalawa, itong sex video scandal.
“It comes in threes,” ikanga.
Sana, huwag na niyang hintayin ang pangatlong sign at baka mas matindi na ito at hindi na niya kayanin.
|