|
Lungkot at ligaya sa 'Pantasya' 'Shrek 3' naka-$122M sa 3 araw
|
ENTERTAINMENT
‘Shrek 3’ naka-$122M sa 3 araw Nanguna sa takilya ng North
America last weekend (Mayo 18-20) ang bagong bukas na animated movie na Shrek
the Third ($121.6M). Naka-$38.4M ito noong Huwebes, $47.1M noong Sabado, at $36.1M noong Linggo. Ang production budget ng Shrek the Third (aka Shrek 3) ay tinatayang $160-170M. Pumangalawa sa takilya ang Spider-Man 3 ($29M), na naka-$282.4M sa tatlong weekend. #28 na ito sa talaan ng all-time domestic blockbusters. Ang international gross ng Spider-Man 3 ay $465M na, kaya angw orldwide gross nito ay $747M na. Pangatlo ang horror sequel na 28 Weeks Later ($5.5M), na naka-$18.9M sa dalawang weekend. Pang-apat ang pelikula nina Jane Fonda at Lindsay Lohan na Georgia Rule ($3.7M), na naka-$12.9M sa dalawang weekend. Panlima ang Disturbia ($3.7M), na naka-$71.4M sa anim na weekend. Pang-anim ang Fracture ($2.3M), na naka-$34.5M sa limang weekend. Pampito ang comedy na Delta Farce ($1.9M), na naka-$6.1M sa dalawang weekend. Pangwalo ang supernatural thriller na The Invisible ($1.3M), na naka-$17.7M sa apat na weekend. Pansiyam ang Hot Fuzz ($1.3M), na naka-$21.1M sa limang weekend. Pansampu ang Blades of Glory ($1.1M), na naka-$115.4M sa walong weekend. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|