|
Lungkot at ligaya sa 'Pantasya' 'Shrek 3' naka-$122M sa 3 araw
|
ENTERTAINMENT
Lungkot at ligaya sa ‘Pantasya’ Sina Vanessa Minnillo (correspondent ng Entertainment Tonight at Miss Teen USA 1999) at Mario Lopez (weekend correspondent ng Extra) ang hosts ng Miss Universe 2007 sa Mayo 28 (Lunes) nang 9:00-11:00 PM ET sa Auditorio Nacional ng Mexico City, Mexico. Kabilang sa judges sina James Kyson Lee (ng Heroes), Lindsay Clubine (briefcase model sa Deal or No Deal), Tony Romo (quarterback ng Dallas Cowboys), Michelle Kwan (skating champion), Ken Paves (hairstylist), Marc Bouwer (fashion designer), Nina Garcia (fashion director ng magasing Elle) at Dayanara Torres (Miss Universe 1993). Ang Miss Universe 2006 ay si Zuleyka Rivera (ng Puerto Rico). Noong 1993 huling ginanap sa Mexico ang Miss U. Ang kinatawan ng Pilipinas sa 56th Miss Universe ay si Anna Theresa Licaro. *** Kilalanin ang mga lalaking
nabubuhay sa kalungkutan at naghahanap ng kaligayahan sa pinakabagong
video na na magpapainit sa iyong laman -- ang Pantasya. Ang nasabing video ay kinatatampukan ng limang nag-aapoy na ‘sex stories’: BIYAHE -- istorya ng isang gay student na makiki-joy ride sa isang taxi driver. LINYA -- kuwento ng isang gay homeowner na makatatanggap ng kakaibang serbisyo mula sa dalawang linemen ng isang telephone company. LARO -- istorya ng isang basketball fan na makakadiskubre sa kakaibang game ng basketball players sa loob ng locker room. BILIIIS -- kuwento ng isang food delivery boy na magpapatikim ng kakaibang midnight snack sa isang gay yuppie na nag-o-overtime sa opisina nito; BANTAY -- istorya ng isang security guard na magpapaligaya sa isang gay na iniwan ng kanyang lover. Tampok sina Justin de Leon (ng Viva Hot Men), Harold Montano, Mark Dionisio at mga bagong "male fantasies," ang Pantasya ay mula sa direksyon ni Brillante Mendoza. Ang Pantasya ay mabibili na sa video stores nationwide sa DVD (P299) at VCD (P199) format.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|