MAY 22, 2013 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
May 21, 2013
As of 2:10 pm
U. States 41.1099
Bahrain Dinar 109.028
Can Dollar 40.1115
Euro 52.9818
Aus Dollar 40.4138
HK Dollar 5.29650
Japan Yen 0.400683
Saudi Riyal 10.9618
S’pore Dollar 32.7598
Taiwan Dollar 1.37695
UAE Dirham 11.1925
UK Pound 62.6959
 
Custom Search
Import war sa PBA Governor’s Cup
(Ramil Cruz)

Dahil sa isang titulo na lang ang nalalabi ang pangatlo’t huling kum­perensyang Governors’ Cup bago magsara ang 2012-13 o ika-38 edisyon ng Philippine Basketball Association, seryoso ang 10 teams na mapaghandaan ito nang mabuti.


Kaya ngayon pa lang kahit sa Agosto 20 pa ang pagbubukas ng Govs’ Cup o pagkatapos ng 27th FIBA-Asia Championship for Men sa August 1-11 rito, lima sa mga koponan ang nakakumpirma ng kanilang reinforcement, tatlo ang nakikikipagnegosasyon na at dalawa ang may mga kandidato na.


Tumango na sa newly-crowned Commissioner’s Cup champion Alaska Milk si French league campaigner Wendel McKines; sa season-opening Philippine Cup titlist Talk ‘N Text si Tony Mitchell na nakailang laro rin sa kanila sa katatapos na midseason Commish Cup makaraang palitan si Jerome Jordan.


Um-oo na rin sa Barangay Ginebra San Miguel si Dior Lawhorn, na kumampanya sa Saigon Heat ng Vietnam at pumang-anim o nangulelat sa kasalukuyang ginaganap na ASEAN Basketball League, pati si Marqus Blakely na naghatid para sa San Mig Coffee sa Finals sa nagdaang taon nang kilala pa ang Mixers na B-MEG Derby Ace Llamados; at si NBA D-League veteran Michael Singletary para sa Barako Bull.


Nakikipag-usap sa kasalukuyan ang Globalport sa Best Import noong isang taon at umangkla sa Rain or Shine sa titulong si Jamelle Cornley, na ‘di na kinukonsidera ng Yu-Que ballclub dahil sa mga sinuungang mga kaso kabilang pananapak sa pulis; at patuloy ang pakikipagnegosasyon ng Meralco kay Mario West na balik-liga rin.


Tug-of-war ang Petron Blaze at defending champion Rain or Shine kay Arizona Reid III na lumaro sa Elasto Painters at naging 2011 PBA Govs Cup Best Import kahit ‘di umabot ang team niya sa Finals.


Pero kinakausap din ng Boosters si D-League campaigner D. J. Kennedy at ang nagkaloob sa kanila ng titulo noong 2011 na si Anthony Grundy; at ang Air21 ay ang mga naglaro na rin sa PBA dati Zach Graham at Chamberlain Oguchi ang mga sinisipat.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION