MAY 20, 2013 MONDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
May 19, 2013
As of 2:10 pm
U. States 41.1600
Bahrain Dinar 109.178
Can Dollar 40.0370
Euro 52.8336
Aus Dollar 40.0960
HK Dollar 5.30214
Japan Yen 0.398528
Saudi Riyal 10.9760
S’pore Dollar 32.6874
Taiwan Dollar 1.37376
UAE Dirham 11.2064
UK Pound 62.4459
 
Custom Search
PNP 24-oras na alerto sa pasukan
(Amihan Sabillo)
 

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na pasukan sa eskwela kung saan 24-oras umanong magpapatrulya ang kapulisan sa paligid ng mga paaralan sa buong bansa simula sa susunod na linggo.

Sinabi ni PNP Director General Alan Purisima na mahalaga ang police visibility sa mga kalsada at eskwelahan para walang puwang ang masasamang loob na umatake sa panahong kaliwa’t kanan na naman ang presenya ng mga mag-aaral.

“Naitatala ang mataas na ratio ng pandurukot, pangho-holdup sa mga estudyante tuwing pasukan, ang inyong kapulisan po ay vigilante na protekta­han ang mga mag-aaral,” pahayag ni Purisima.

Mula sa pagpasok sa umaga at pag-uwi ng mga estudyante ay asahan anya ang mahigpit na pagbabantay ng kapulisan upang hindi mabiktima ang mga ito ng mga masasamang loob.

Kasabay nito, nanawagan din sa publiko si Purisima na huwag mag-atubiling makipagtulungan sa pulisya sakaling masangkot sa hindi inaasahang insidente ng krimen sa mga pinapasukang eskwelahan ng kanilang mga anak upang agad mabigyan ng ayuda.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION