MAY 18, 2013 SATURDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
May 16, 2013
As of 2:30 pm
U. States 41.2599
Bahrain Dinar 109.437
Can Dollar 40.2946
Euro 53.0750
Aus Dollar 40.1832
HK Dollar 5.31467
Japan Yen 0.402684
Saudi Riyal 11.0018
S’pore Dollar 32.8152
Taiwan Dollar 1.37608
UAE Dirham 11.2330
UK Pound 62.8689
 
Custom Search
AFP tagapamagitan na sa labanang MILF-MNLF
(JB Salarzon)
 

Baligtad na ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ngayon ang nagsisilbing tagapamagitan para pahupain ang madugong labanan ng dati nilang kalaban ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).


Inaalam pa ng militar at pulisya kung ilan ang nasawi at sugatan mula sa magkabilang grupo makaraang muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga ito kamakalawa sa Bgy. Marbel, Matalam, North Cotabato.


“‘Yung mga sundalo natin ay nagsilbing escort ng mga MILF, pinasakay sila sa ating mga military truck para makalabas sila kasama ang kanilang mga sugatan sa lugar,” ani Col. Dickson Hermoso, taga­pagsalita ng 6th Infantry Division (ID) ng Army.


Habang isang grupo rin ng mga sundalo ang naki­pag-ugnayan sa MNLF para itigil na ang labanan kontra sa MILF at mag-usap na lamang nang mapayapa kaysa magpatayan.


Nakasagupa ng may 75 na armadong MILF sa pamumuno ni Hadji Mansour Imbong, ang hindi pa mabilang na mga tauhan ng MNLF na pinamunuan ng isang Kumander Aladin.


Habang nasa kasagsagan ng sagupaan, kumilos ang militar para kausapin ang magkabilang panig na iti­gil ang labanan at tumalima naman ang dalawang grupo.


“Sa pakikipag-usap natin sa MILF nakumbinsi natin sila na bumaklas sa kanilang mga posisyon at lisanin ang Bgy. Marbel dahil hindi naman sila taga-roon. Naayos ang kanilang safe conduct pass at ineskortan natin sila palabas ng lugar at tumigil din naman ang MNLF,” ani Hermoso.


Noong Mayo 5, umaabot sa 100 pamilya ang lumikas sa labanang MILF at MNLF.


Nagbangayan ang dalawang rebeldeng grupo dahil hindi magkaintidihan sa usapin ng pagkakaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION