|
Phonepals, nakaligtas sa Express 6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League
|
SPORTS
UPDATE
Trade kay Villanueva malabo yata Dumaan pa sa double overtime ang laro ng Welcoat at Sta. Lucia kagabi, at sa ending ng laro ay nanalo ang mga alipores ni coach Boyet Fernandez, 112-104. Nagtapos ang regulation sa 89-all at ang pangalawang OT naman ay 97-all. Hindi masakit para sa kampo ng Dragons ang pagkatalo dahil kahit papaano’y ipinakita ng team na kumakasa sila hanggang sa huling bahagi ng laro. *** Nakatakda nang binyagan ang anak nina James at Kris Yap sa darating na Sabado. Sayang, gusto man naming banggitin ang church na pagdarausan ng binyag ng kanilang anak eh hindi puwede. Baka dagsain daw ito ng mga fans nina James at Kris. Pagkatapos ng binyagan, tuloy ang reception sa Dasmariñas, Makati. *** Habang sinusulat natin ito ay kasalukuyang may laban ang SMC RP Team sa Iran-Tehran. Kaharap ng team ang Bahrain kagabi. Kinakailangan na manalo ang team upang magkaroon pa tayo ng chance na makapag-playoff. Dalawang sunod na tayong nakakalasap ng talo mula nang nag-umpisa ang tournament. *** Sa tingin namin, walang katotohanan ang balitang kumakalat na iti-trade ng Red Bull ang kanilang mga key players like Enrico Villanueva at Larry Fonacier sa Purefoods at San Miguel Beer. Matagal na ang balita hinggil sa trade na ito kay Villanueva. Nakausap namin tungkol dito ang isang staff ng Red Bull na si Ruffy Casyao. Ayon sa kanya, malabong pakawalan nila ang isang Villanueva, gayundin itong si Fonacier. Sa sarili naming opinyon, kung mati-trade si Enrico, ang katapat nito ay isang James Yap, habang si Fonacier naman ay si Dondon Hontiveros. Sa palagay kaya ng mga nagpapakalat ng balita ay papayag ang bawat team na nabanggit na ipamigay ang mga de-kalibre nilang players?
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|