|
Phonepals, nakaligtas sa Express 6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League
|
SPORTS
UPDATE
L’Piñas Fastest Win Dadayo ang mga sabungero ng Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Makati, Las Piñas, Laguna at Cavite sa Las Piñas Coliseum para sa isa pang umuusok na edisyon ng "Fastest Win One-Cock Timbangan" umpisa ngayong alas-12:00 ng tanghali. Ayon kay coliseum manager Alex Tobias, lahat ng mga Fastest Win events sa LPC ay nakapagtatala ng 100 entries pataas. Gaganapin ang rehistrasyon ngayon, 7:00 a.m. hanggang 11:30 a.m. Idedeklara agad ang fastest win champion pagkatapos ng limang sultada at pagkakalooban ng premyong P10,000, ayon kina hosts Jonathan Benedicto at Mario Gujelde na nagkasa ng P1,100 entry fee. May special 3-cock derby din sa Sabado at aabot sa 35 entries ang sasabak dito, ayon kay host Eddie Alejandro. Mangyaring tumawag lamang sa 873-1040; 874-3910 at 0926-7450375.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|