BULLS BUHAY PA!

Phonepals, nakaligtas sa Express

6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League

Day 1 ng Tour ngayon

Cebuana, nakatuon sa playoff

L’Piñas Fastest Win

Cainta‘Bracket of Five’


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

Cebuana, nakatuon sa playoff

(Ace Pasco)


Sisiguruhin ng Cebuana ang karapatan sa playoff para sa isa sa dalawang outright semifinal berth kontra Burger King ngayon sa PBL Unity Cup.

Liyamado ang Moneymen papasok sa 4 p.m. main game sakay ng apat na sunod na tagumpay samantalang kabaligtaran ang katunggaling Whoppers na sadsad sa 4-game losing skid.

Pero pinakamahalaga sa lahat para sa Cebuana sa larong ito’y ang mahagip ang tsansa sa awtomatikong semis berth na ibig sabihin hindi na dadaan ang magkakamit nito sa quarterfinal phase.

Tabla sa liderato kasama ng defending champ Harbour Centre ang Cebuana sa 7-2 at may tatlo pang nalalabing asignatura sa eliminations kung saan ang panalo ngayon ang katumbas ng pagkana ng karapatan sa playoff para sa incentive at isa pang panalo sa susunod na laro’y magseselyo sa semis berth.

Maghaharap sa unang laro ang Toyota (4-4) at ang inaalat na San Miguel-Magnolia (2-6).

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top