BULLS BUHAY PA!

Phonepals, nakaligtas sa Express

6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League

Day 1 ng Tour ngayon

Cebuana, nakatuon sa playoff

L’Piñas Fastest Win

Cainta‘Bracket of Five’


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

Day 1 ng Tour ngayon

(Ace Pasco)


Ngayon magsisimula ang personal na hamon ni Santy Barnachea na burahin ang lahat ng alinlangan ukol sa kanyang puwang sa kasaysayan ng RP cycling.

Si Barnachea ang defending champion ng Padyak Pinoy bikathon na pormal na papadyak ngayong alas-9:30 ng umaga sa Stage 1 Individual Time Trial sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

May tsansa ang tubong-Umingan, Pangasinan na si Barnachea na maging ikalawang three-time Tour champion sa kasaysayan ng 52-year-old bikathon sakaling palarin sa taong ito bagama’t di tulad noong nakalipas na edisyon o noong unang beses siyang naghari sa FedEx Express Tour of Calabarzon limang taon na ang nakararaan, hindi magiging madali ang pagkopo ng trono bilang hari ng 2007 Summer Showdown.

Haharang sa landas niya sa 10-stage, 11-day, 1,488.90 kilometer race na inihahandog ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng Wow Magic Sing at Air21 ang mga dating champion na sina (1996 Marlboro Tour) Victor Espiritu at (Tour Pilipinas 2003) Arnel Quirimit, pati na rin ang second at third placer noong huling edisyon na sina Frederick Feliciano at Ericson Obosa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top