BULLS BUHAY PA!

Phonepals, nakaligtas sa Express

6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League

Day 1 ng Tour ngayon

Cebuana, nakatuon sa playoff

L’Piñas Fastest Win

Cainta‘Bracket of Five’


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League


Anim na koponan sa pangunguna ng 3-time champion La Salle, ang magsasalang ng tikas sa harap ng inaasahang malaking crowd sa pagbubukas ng 4th season ng Shakey’s V-League women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan.

Bagama’t nawalan ng 2 key players, nananatili pa ring isa sa teams to beat ang Lady Archers sa tournament.

Ipapalo ng Taft-based squad ang kampanya para sa 4th V-League crown laban sa FEU Lady Tams sa ganap na alas-dos ng hapon sa isang triple-bill na kakikitaan din ng engkuwentro ng San Sebastian laban sa Letran sa ganap na alas-nuwebe ng umaga at Ateneo kontra Lyceum sa ganap na alas-11:00.

Ang iba pang kasama sa cast ng 8-team tournament ay ang UST at Adamson.

Ang event na suportado ng Shakey’s Pizza sa target nitong maiangat ang level ng RP women’s volleyball, ay pormal na bubuksan sa ganap na ala-una ng hapon kung saan si San Juan City Mayor JV Ejercito ang Guest of Honor at Speaker. Si Ejecrito ay sasamahan din sa opening nina Shakey’s President and CEO, Leo Prieto, Jr. at Shakey’s general manager Vic Gregorio. Sasaksi rin ang officials ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. na sina Moying Martelino, Ricky Palou, Rhea Navarro, Norman Black, Nolan Bernardino, Chito Loyzaga, Iggy Yenko, Sonny Barrios at Elmer Yanga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top