|
Phonepals, nakaligtas sa Express 6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League
|
SPORTS
UPDATE
Phonepals, nakaligtas sa Express (Ramil Cruz) Kinumpleto ng Talk ‘N Text ang matamis na paghihimagsik sa first round tormentor Air21 via 116-115 win upang tumibay ang kapit sa panlimang puwesto ng standings at bumalik sa pagiging contender sa paghahabol sa semifinals. Naging puhunan ng TNT ang 15-point lead, 34-19, sa 10:10 ng second quarter bagama’t naglaho iyon at kinailangang tumingkayad sa dalawang puntos na pagkaiwan sa 2:08 ng game upang maibawi ang 124-118 overtime loss sa Air noong Marso 18. Ito ang pang-8 panalo ng Phonepals sa 14 laro at pang-5 talo ng Express sa 14 ding laro. Umahon naman ang Sta. Lucia sa 10 points down sa regulation at kinailangan ang dalawang OT bago naresbakan din ang Welcoat, 112-104.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|