BULLS BUHAY PA!

Phonepals, nakaligtas sa Express

6 teams, magbubukas ng Shakey’s V-League

Day 1 ng Tour ngayon

Cebuana, nakatuon sa playoff

L’Piñas Fastest Win

Cainta‘Bracket of Five’


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

Isiniksik ni Luol Deng ng Chicago Bulls ang sarili laban kina Antonio McDyess at Chris Webber ng Detroit Pistons para sa isang lay-up sa kanilang Game 5 ng EC semis noong Martes. (AP)

BULLS BUHAY PA!

(AFP)


DETROIT, Michigan (AFP) --- Umiskor si Ben Gordon ng 28 points para sa Chicago na inilagan ang palakol ng eliminasyon sa ikalawang sunod na laro sa bendisyon ng 108-92 win kontra top seeded Detroit Pistons sa Game 5 ng Eastern Conference semifinals.

Kumulekta si Kirk Hinrich ng 17 points at 13 assists para sa Chicago na naghahabol pa rin, 2-3 sa best-of-7 series. Ang magandang balita para sa Bulls ay sila ang magiging host sa Game 6 sa Huwebes.

"We have been playing our game," ani Gordon. "The last two games we have been playing with more confidence because we have nothing to lose."

Kinipkip ng Bulls ang tagumpay sa pagpalag sa dati’y one-sided series sa pamamagitan ng episyen-teng third quarter kung saan inungusan nila ang Pistons, 33-20 para kunin permanente ang manibela sa laban.

Sa kabila ng kanilang makinang na laro, malaki pa rin ang hamon na nakatambad sa Chicago. Wala pang NBA team na nanalo sa isang best-of-7 series matapos mabaon ng 0-3 sa serye. Sa apat na popular na isports, tanging ang 1942 Toronto Maple Leafs, 1975 New York Islanders at 2004 Boston Red Sox ang nakagawa ng mala-Lazarus na pagbangon.

Isa pa, sapul 2003, may record na 12-2 ang Pistons kapag series-clinching games ang ilalaban papasok sa laro noong Martes. Ang dalawang tanging pagkatalo’y noong Linggo sa Game 4 at ang Game 7 kontra San Antonio sa NBA Finals.

Ginapi ng Chicago ang Detroit, 102-87 noong Linggo sa Game 4 para manatiling buhay. Ito’y matapos ang tatlong laro kung saan halos pinaglaruan lang ng Pistons ang Bulls: 95-69 sa Game 1 at 108-87 sa Game 2 sa Detroit at ang nakakabilib na Pistons win sa game 3 kung saan humabol mula 19-points down ang Detroit.

Subalit sa panalong ito sa Game 5, hinablot ng  Chicago ang momentum.

Samantala, kinubra ng Utah Jazz ang unang Western Conference final ticket sa pagpapatahimik sa ingay ng Golden State Warriors sa Game 5. Sinara ng Jazz ang best-of-7 Western Conference semis series, 4-1 sa pamamagitan ng 100-87 panalo noong Martes.

Nagtala kapwa ng double-double sina Andrei Kirilenko (21 points-15 rebounds) at Carlos Boozer (21 points-15 rebounds) samantalang nagsubi ng 20 markers si Derek Fisher para sa Utah.

Haharapin ng Jazz ang magwawagi sa serye ng Phoenix at San Antonio na ngayo’y tabla sa 2-2.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top