|
|
ENTERTAINMENT
Cesar, miss na ang showbiz May Yilmaz Bektas-watch ngayon ang ABS-CBN 2 at GMA 7. Simula pa noong Lunes ay nagbabantay na sa airport (terminal 1 and 2) ang iba’t ibang TV crew ng shows ng Dos at Siyete. May nagparating sa amin na nasa passengers manifest daw ng isang airline ang pangalan ni Yilmaz noong Martes, kaya tumutok sila sa airport nang araw na ‘yon. Nawindang-windang kami dahil walang tigil ang pagtunog ng cellphone namin. Hindi lang mga taga-Dos at Siyete ang nagtatawagan sa amin kundi pati editors ng iba’t ibang pahayagan. Pati si Manay Ethel Ramos ay tinawagan kami nang almost midnight na para alamin kung dumating ng bansa noong Martes si Yilmaz. Ang nakaloloka, ikinuwento sa amin ng isang staff ng isang showbiz talk show na nasa labas sila ng condominium unit na tinitirhan ni Ruffa Gutierrez at ng mga anak niyang sina Lorin at Venice dahil may balitang nakarating daw sa kanila na dumating na ng bansa si Yilmaz at nalusutan daw nito ang mga TV crew na nagbabantay sa airport. As of yesterday, walang Yilmaz-sighting, kaya mukhang mali ang mga balitang nakarating sa amin na narito si Yilmaz sa ‘Pinas. Si Ruffa ay hindi na namin inuusisa tungkol sa mga bagay na ito dahil alam namin na magulo pa rin ang isipan niya. *** Correction. Kahapon ay naisulat namin dito na anak ni Jean Garcia si Nicole Anderson ng Fantastikman. Ang nanay po ni Nicole ay si Jean Saburit. Sa mga nagtatanong kung bakit hindi na active si Jean Saburit sa showbiz, nasa San Francisco, California siya at inaalagaan ang ina niyang may sakit. *** Noong Lunes ay nakatsikahan namin si Sunshine Cruz, ang misis ni Cesar Montano. Kahit mababa sa bilangan
ng mga kumandidatong senador ang mister niya ay hindi umiwas si Sunshine
na makipagtsikahan sa amin. Sabi ni Sunshine, pagkatapos ng bilangan ay magpapahinga lang ang kanyang mister at babalikan nito ang showbiz career. Miss na raw ni Buboy ang showbiz. Noong Martes, lumabas na raw ng bahay nila si Buboy at nagpunta ito sa isang grocery para bumili ng mga gamit sa banyo. *** Patuloy sa paghataw sa ratings ang Lupin na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Tuwang-tuwa sa bagay na ‘yon ang binata dahil kahit medyo late ang timeslot ng Lupin ay sinusubaybayan pa rin ito ng televiewers. Halos doble ang ratings ng Lupin sa katapat nilang show sa Dos. *** For feedback, email junlalin88@yahoo.com or text +63922-891-9989. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|