Alfie Lorenzo

Allan Diones

Jun Lalin

Joe Barrameda

Abu Tilamzik


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Ruffa, sinusuyo ni Yilmaz


Sumugod ang media sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes nang hapon dahil nabalitang darating daw si Yilmaz Bektas lulan ng United Arab Emirates airline.

Kaagad na tinawagan namin si Tita Anabelle Rama at nagulat din siya sa tsikang iyun.

Ang unang balita, 5:00 PM daw darating. Naging 8:30 PM ang arrival daw ni Yilmaz.

Naghintay ang GMA News sa airport pero walang Yilmaz na dumating.

Sinadya namin ang condo unit ni Ruffa Gutierrez sa One Mckinley sa The Fort at naabutan namin ang kotse ni Tita Anabelle na nakaparada sa harap.

Mahigpit ang security kaya hindi kami nakapasok. Nakausap namin si Tita Anabelle at sinabi nitong hindi makararating si Yilmaz.

Habang kausap namin si Tita Annabellea ay kausap daw ni Ruffa ang asawa, na ang duda nila ay nasa Hongkong ito. Malamang na isa sa mga araw na ito ay bigla na lang sumipot si Yilmaz para sunduin ang kanyang mag-ina.

Madalas na nag-uusap daw ang mag-asawa at matindi raw ang panunuyo ni Yilmaz na magkabalikan sila.

Kinatatakutan ito ni Tita Anabelle na mangyari kaya siguro madalas niyang binabantayan si Ruffa.

***

Hindi pa namin nakakausap ang kampo ni Janno Gibbs kaya hindi namin kumpirmado kung totoong si Iwa Moto naman daw ang dinidiskartehan nito.

Ayon sa aming source, kapansin-pansin na raw ang sweetness ng dalawa sa taping ng Nuts Entertainment.

Nagsimulang pinagdudahan ang dalawa nang may nakakita raw kay Iwa na nasa kuwarto ni Janno nang nagkaroon ng SOP sa Golden Sunset Resort ni Ricky Reyes sa Calatagan, Batangas.

Itinanggi ito ni Iwa, pero isinusumpa ng nakakita na si Iwa raw iyun.

Nagkaroon daw ng out of town taping ang Nuts Entertainment na inabot ng gabi.

Nang na-pack-up daw ang taping may nakakita na sumabay si Iwa sa kotse ni Janno.

Kaagad na ipinarating daw ito sa Mommy ni Iwa kaya tinawagan si Iwa na bumaba sa kotse ni Janno.

Nakarating na raw ito sa GMA Artists Center kaya pinagsabihan na raw si Iwa na mag-ingat kay Janno.

Nag-comment pa raw si Janno na pati ba naman siya ay pinapakialaman na ngayon ng Artists Center?

Dagdag pang kuwento, hindi lang daw si Iwa ang dinidiskartehan ngayon ni Janno kundi pati raw ang Starstruck 4 winner na si Kris Bernal.

***

Pagod na pagod si Sen. Bong Revilla nang nakausap namin sa tahanan nila sa Cavite dahil personal nitong inaasikaso ang kandidatura ng kapatid niyang si Strike Revilla na tumakbong Mayor ng Bacoor, Cavite.

Mukhang panalo na si Strike dahil sa laki ng agwat nito sa mga kalaban pero siyempre, gusto ni Strike na i-confirm ito kapag naiproklama na siya ng Comelec.

Nasulit ang pagod ni Sen. Bong kasama ang buong pamilya nito dahil maganda ang resulta kahit mahigpit ang laban.

Pinag-iisipan ni Sen. Bong na magbakasyon sa Amerika, pero nagdadalawang isip siya at baka maintriga na naman.

"Mahirap nang ma-blind item na naman, dito na lang siguro," pahayag nito nang tinanong namin tungkol sa mga naglalabasang intriga.

Ayaw raw niyang patulan ang mga intrigang ‘yon at mahirap daw mag-react sa blind item na baka hindi naman daw siya ang tinutukoy.

Sakaling magbakasyon siya, kasama raw ang buong pamilya dahil lahat sila ay nagpagod sa nakaraang eleksyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top