|
|
ENTERTAINMENT
Young actor, nakipagtikiman sa ex May biglang sumagi sa isip namin nang makita naming magkasama kamakailan ang dalawang very much in love na showbiz lovebirds. Ang ganda nilang pagmasdan dahil sweet sila at kung titingnan ay bagay na bagay sa isa’t isa. Guwaping si young actor at pretty si young actress. Mukhang wala silang problema at masaya sila. Ewan lang namin kung magiging masaya pa rin si young actress kapag nalaman niyang nagkaroon pala ng ‘balikan blues’ si young actor at ang dati nitong girlfriend na taga-showbiz din. Malinis gumawa ng ‘krimen’ si young actor kaya hindi nakahalata si young actress na ‘napuslitan’ siya nito. Magaling maglihim si young actor kaya maging ang mga ginagawa niyang pag-aasikaso sa ex-girlfriend ay hindi pinaghinalaan ni young actress. Walang kamalay-malay si young actress na patagong nagkikita ang kanyang boyfriend at ang ex-girlfriend nito at muling ‘nagtitikiman.’ Mahal ni young actor ang kanyang girlfriend pero sadyang hindi nito mapahindian at matanggihan ang bawat tawag (ng laman?) at imbitasyon ng ex-girlfriend. Nang mawala sa eksena ang ex-girlfriend ay behaved ulit si young actor. Pero nang muli itong magbalik ay hindi na naman mapakali si young actor. Mukhang wala nang naganap na balikan dahil hindi na sila madalas magkita pero mukhang ‘for old time’s sake’ ay nagkaroon ng ‘one last dyug’ ang dalawa. ‘Yun ang paniwala ng isang kaibigan ni young actor na nakakita kay young actor sa lobby ng condo kung saan tumutuloy ang kanyang ex-girlfriend. Sa TV kasi ng tenants ng nasabing condo ay may isang channel na makikita ang mga taong nasa lobby at paakyat sa elevator. Isang madaling-araw ay nakita sa monitor ng kanyang kaibigan si young actor na mag-isang paakyat sa elevator gayong wala itong ibang kilala roon. Saka naalala ng kaibigan ni young actor na naroon ang ex-girlfriend nito nu’ng mga panahong ‘yon at ito ang kanyang palihim na binibisita. Hindi na nabigla ang nasabing kaibigan dahil siya mismo ay alam niyang patay na patay noon si young actor sa ex-girlfriend nu’ng mga bagets pa sila. Aware ang mga kaibigan ni young actor na bukod sa ‘greatest love’ nito ang kanyang ex-girlfriend ay dito niya rin marahil natikman ang ‘greatest sex’ sa buong buhay niya kaya hindi niya ito malimut-limutan kahit may bago na siyang girlfriend. *** Sa katapusan ng buwang
ito nakatakdang gumradweyt si KC Concepcion sa kursong Corporate
Communications Minor in Theater sa American University of Paris. Tama ‘yung sinabi sa amin ni Direk Lino Cayetano na sa pagkakaalam niya ay sa Agosto pa ang balik dito ni KC dahil ‘yun din ang nabanggit sa amin ni Ms. Sharon Cuneta nu’ng huli namin itong makausap. Malamang lumipad patungong Paris ang mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan para dumalo sa graduation doon ni KC. Hindi raw pipigilan ng Megastar si Direk Lino sakaling gusto rin nitong pumunta ng Paris para saksihan ang pagtatapos ng rumored girlfriend. Sa Paris nagkakilala sina KC at Lino. Kahit nasa Pransiya ay updated si KC na mga kaganapan dito sa ‘Pinas kaya siguradong natuwa ang dalaga nang malamang maganda ang puwesto ng kanyang Daddy Kiko sa senatorial race sa isinasagawang bilangan kaugnay ng katatapos na halalan. Napanood namin sa TV na nagsiboto rin ang mga kababayan nating Pinoy sa Europa kaya malamang bumoto rin doon si KC at si Kiko ang numero uno sa kanyang balota. Bumilib kami kina Sharon at Kiko dahil hindi nila ginamit si KC sa pangangampanya kahit alam nilang malaking tulong ito. Pabor kami sa katwiran ni Shawie na mas gusto na nila ‘yung gano’n para iwas-intriga. Kahit nu’ng 2001 elections na narito si KC ay hindi nila ito ginamit sa kampanya kahit gustung-gusto nitong tumulong sa Daddy Kiko niya. Ani Sharon, choice nila ‘yon kaya mabuti na ring nasa malayong bansa ngayon si KC nang maganap ang eleksyon. Maging sa kanyang online journal ay hindi ikinampanya o inendorso ni KC si Kiko, pasimple man o lantaran. Ang nakita lang namin doon ay isang maiksing blog entry tungkol sa isang lalaking nagbigay ng 100-peso bill bilang kontribusyon kay Sen. Kiko nu’ng mangampanya ito sa isang resettlement area sa Pampanga. Naka-post doon ang kuha ni Kiko na hawak ang nasabing P100 bill, pati na ‘yung loob ng bed-side drawer nito kung saan nito tinago ‘yung isandaang piso. Naiyak daw siya sa kuwentong ‘yon, ayon kay KC. *** By this time ay isinasagawa na ang total makeover sa tatlong finalists ng ‘Miss Ugly (No More)’ nationwide search. Magkakaiba ang social background ng tatlong kandidata. Ang nakakuha ng highest text votes na si Maria Luisa Ramos (23) ay dalagang taga-Tondo na gustong maging dancer. Ang ikalawa na si Maria Lourdes Martillo Victorioso (31) ay may asawa’t tatlong anak mula sa Bulacan at nais maging singer. Ang ikatlo na si Jeralyn Escorel (27) ay may asawa’t isang anak mula sa Antipolo na nangangarap maging entertainer sa abroad. Ang bawat cosmetic procedure na gagawin kina Luisa, Lourdes at Jeralyn ay mapapanood sa programang SiS ng GMA-7. Ang coronation ng ‘Miss Ugly (No More)’ ay gaganapin sa Hunyo 18 sa Ayala Museum sa Makati. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|