Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan


Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, 3rd Floor, BF Condominium Bldg., Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.

 

PUBLIC SERVICE

Tama bang umatras?


Dear Tita Nora,

May niligawan ako.

Una’y naging textmate ko muna siya hanggang sa mag-eyeball kami.

Pareho kaming nagkagustuhan nang mag-meet kami. Pakiwari ko ngayo’y balak na niya akong sagutin. Panay nga ang habol niya sa akin.

Tama bang umatras ako? Ang totoo kasi ay may asawa na ako at hindi niya iyon alam. Ano ang gagawin ko?

Siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan ‘pag nalaman naman ng misis ko ang ginawa kong kalokohan. Ayokong masira ang pagsasama namin. Buntis pa naman siya ngayon.

Ador

Dear Ador,

Sa kalagayan ngayon ng misis mo’y tama lang na umatras ka na sa ibang babaeng kinahuhumalingan mo.

Takot ka rin lang palang ‘maghalo ang balat sa tinalupan’ ay magpakatotoo ka na at magpaka-good boy.

Mahirap mabuhay sa kasinungalingan, iho. Bukod sa wala ka nang kapanatagan, pati kredibilidad at pagtitiwala sa iyo ng dalawang babae sa buhay mo’y baka tuluyan pang masira.

Be honest. Anuman ang maging reaksyon o buwelta ng niligawan mo’y kailangang harapin mo na lang ito at tanggapin, in the first place ay ikaw din naman ang may kagagawan at kasalanan.

Good luck and God bless you.

Love,

Tita Nora

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top