Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan


 

PUBLIC SERVICE

Umangal sa 54-0


May rason para umangal si Congressman Ricky Sandoval ng Malabon-Navotas, tumakbong alkalde sa bayan ng Navotas sa naging kahihinatnan ng bilangan ng boto sa bayan ng Navotas.

Ang mama na nakatatlong termino bilang mambabatas ng Malabon-Navotas ay na-zero sa 54 presinto sa Navotas.

Hindi tayo taga-Navotas pero hindi naman siguro maluluklok si Cong. Sandival ng tatlong termino kung hindi kuntento ang kanyang mga kababayan sa kanyang paglilingkod kaya’t napaka-imposibleng makatikim ito ng itlog maliban na lamang kung may hokus-pokus na nangyari.

Bukod sa posibilidad ng hokus-pokus, hindi kaya nagkaroon ng malawakang maniobra sa proseso ng bilangan dahil ayon sa ating pagsasaliksik pinapirma na raw ang mga poll watchers gayung hindi pa tapos sa pagta-tally.

Hindi natin masisisi si Cong. Sandoval na umangal gayundin ang kanyang mga supporters na magprotesta dahil sa hindi makatwirang resultang kanilang tinanggap.

May katwiran ang pahayag ng ilan nitong supporters na may mga poll watchers ang bawat kandidato sa iba’t ibang presinto at paniguradong may botong makukuha ang isang kandidato kahit isa hanggang lima lamang.

May mga kaanak pa ito na maaaring nakumbinsi nilang iboto rin si Cong. Maliban na lamang kung bumalimbing ang kanyang mga poll watchers at hindi rin siya ibinoto sa bandang huli.

Ani nga ni Cong. Ricky hindi madaling tumanggap ng pagkatalo kung sigurado ka at nakita mong malinis ang prosesong dinaanan pero kung punumpuno ng iregularidad napakahirap ngang tanggapin.

Kahit nga naman ilang libo ang lamang ng kanyang kalaban basta’t makikita mong walang kuwestiyon hindi ka aangal.

Subalit sa sinapit ni Cong. Ricky napakahirap nga namang paniwalaan ng resulta.

Ang pinakamainam na dapat gawin ng kampo ni Cong. Sandoval ay maghain na lamang ng protesta sa Commission on Elections (Comelec) at ipabuksan ang mga balota at tsekin kung legal ang mga pumasok na dokumento nang sa gayun ay mawala ang duda ng Navoteño sa kung sinumang hiranging alkalde ng Navotas si incumbent Mayor Toby Tiangco man ito o kung sino pa man.

Sabagay kaya nga nagpupursigeng bumoto ang bawat isa ay upang kilalanin ang mananalong kampo, hindi iyong basta na lamang mamadyikin ng mga nagnanais malagay sa kapangyarihan.

Hindi pa naman tapos ang lahat, nariyan ang Comelec na dapat kumilala sa legalidad ng takbo ng eleksyon sa Navotas at kahit saan mang panig ng bansa.

Sana ay matapos na ang sigalot na ito sa Navotas nang sa gayun ay makapagsimula na sa pagtupad sa tungkulin ang sinumang wagi sa katatapos na halalan!

***

Naninilikado ang tayo ni Team Unity senatorial candidate Mike ‘To’ Defensor sa mga quick count ng iba’t ibang media entity.

Bibihira kasi siyang pumasok sa Top 15. Kabilang tayo sa nanghihinayang sa kanyang lagay dahil karapat-dapat siya sa posisyong kanyang tinakbuhan.

Ang nakasama nga lamang ay nadikit siya sa administrasyon na kinaiinisan ng taumbayan.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top