Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan


Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa TONITE o paki-email siya sa doktoraholmes@ yahoo. com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.

PUBLIC SERVICE

Psychosomatic illness


Dear Doc. Margie:

Una po sa lahat nais ko kayong greet ng magandang araw po sa inyo, sana po nasa mabuti kayong kalagayan upon reading my email.

Sabi po ng doktor ako po ay mayroong Psychosomatic (illness), saan po ba nakukuha ang ganung karamdaman? At paano ko po nakuha? Ano po ang gamot na natural maliban sa medicine, parati po kasi akong feeling dizzy mabigat ang ulo, masakit ang batok at likod at walang energy hindi po ako makapagtrabaho ng mabuti.

Maliit pa ang mga anak ko, ako lang po nagwo-work sa bahay..bale 2 years na po akong ganito at parati rin po akong malungkutin. Hindi ko makatulog sa gabi, gusto ko na pong malampasan ang ganitong karamdaman. Sana po matulungan ninyo ako..lubos na gumagalang... Jun

 

Dear Jun:

Maraming salamat sa inyong sulat. Ang isang kahulugan ng psychosomatic illness na palagay kong ibig sabihin ng doktor mo sa iyo ay na ang iyong nararamdaman ay totoong pisikal (mabigat ang ulo, masakit ang batok at likod), pero ang dahilan ng mga ito ay HINDI pisikal pero sikolohikal.

Mahirap sabihin kung saan mo nakuha ang sakit na ito. Kagaya ng ibang sakit pisikal, minsan hindi lamang isang dahilan, pero maraming dahilan kung bakit tayo nagkakasakit. Malamang mayroong nangyari sa buhay mo na may kalungkutan (nawalan ng trabaho, nag-away sa kapatid, namatay ang magulang, halimbawa). Maaaring ang nangyari sa iyo ay patung-patong na, at bihira ang taong hindi made-depress o magkaroon ng iba pang "psychosomatic illness" dahil dito. O maaari ring grabe ang nangyari sa iyo, ang ibang tao ay made-depress pero may marami ring HINDI made-depress, pero ikaw, na-depress dahil mayroon kang namanahan sa iyong mga magulang o mga lolo kaya vulnerable ka na (mas madali kang) ma-depress.

In other words, hindi ako nakakasigurado kung papaano mo ito nakuha. Pero kung depression ang ating pinag-uusapan (na tila nga, dahil parati kang malungkutin, atbp.) ayon sa mga pananaliksik, minsan ang dahilan ay dahil lamang sa nangyari sa buhay mo (environmental, nurture). Minsan naman ang dahilan ay dahil lamang namanahan mo ito sa iyong pamilya (nature, genetic). Pero kadalasan, ang problema ay both nature at nurture.

Ang doktor mo ang makakasabi kung mayroon pang magagawa para masolusyunan ang iyong problema. Minsan nakakatulong ang anti-depressants. Minsan din nakakatulong ang psychotherapy (and pagpunta sa isang propesyonal kagaya ng psychiatrist o psychologist) na makakatulong sa iyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-usap sa kanya. Ang CBT (cognitive behavioral therapy) ay isa sa mas bagong psychotherapy na napakaraming natulungan na, lalo na ang mga depressed.

Sana sulatan mo na naman ako, dearest Jun, kung mayroon pa akong mapaliliwanagan sa iyo. Mahirap talaga ang maging depressed at kung matutulungan pa kita, handa akong gawin ito. Ingat and all the best -- MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa "Ask" portion ng kanyang website www.margaritaholmes.com. Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top