DAGDAG-BAWAS NANGANGAMOY NA

Pacquiao napaso sa pulitika

Oposisyon inaalaat sa congressional race

SC kumilos na sa Cayetano case


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

SC kumilos na sa Cayetano case

(GVelasco)


Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa petisyong inihain ni Genuine Opposition senatoriable Alan Peter Cayetano ukol sa diskwalipikasyon ng katukayo niyang si Joselito.

Sa resolusyong inilabas ng Mataas na Hukuman, inatasan nito ang Comelec at maging ang kampo ni Joselito na magsumite ng komento kaugnay sa nasabing petisyon.

Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Mataas na Hukuman, kinailangang magsagawa ng special en banc session ang mga mahistrado kahit na naka-recess sila at wala rin sa bansa si Chief Justice Reynato Puno, dahil sa urgency ng petisyon.

Nauna nang iginiit ni Cayetano na dapat lamang na ideklara ng Korte Suprema na final and executory na ang resolusyong inilabas ng dibisyon ng Comelec noong Marso 27 na nagdidiskwalipika kay Joselito.

Aniya, hindi nakapaghain si Joselito ng motion for reconsideration para sa nabanggit na division resolution sa tamang oras kaya’t maituturing na balewala na ang pag-akyat ng kaso sa commission en banc.

Binigyan lamang ng Korte Suprema ng sampung araw ang Comelec upang idepensa ang kanilang mga naging hakbang sa kasong kinasangkutan ng dalawang Cayetano. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top