DAGDAG-BAWAS NANGANGAMOY NAy

Pacquiao napaso sa pulitika

Oposisyon inaalaat sa congressional race

SC kumilos na sa Cayetano case


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Oposisyon inaalaat sa congressional race

(Bernard Taguinod)


Maaari nang makatulog ng mahimbing si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo makaraang mabigo ang oposisyon na makapagpanalo ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa Kamara.

Kapalit ng impormasyong ito, inamin ng isang miyembro ng oposisyon sa Kamara na marami sa kanilang mga kandidato sa congressional race ang nabigong makaakyat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nabatid sa impormante na umaabot sa 144 kandidato sa iba’t ibang distrito sa bansa ang pinatakbo ng oposisyon subalit hanggang 30 lamang ang inaasahan nilang mananalo.

"Base on our monitoring, our candidates did not make it," malungkot ang pahayag ng impormante na hindi na nagpabanggit ng pangalan kaya imposible na aniya na maisulong ang ikatlong impeachment.

Ayon sa impormante, may mga incumbent congressmen mula sa opposition bloc sa Kamara ang posibleng hindi na rin makabalik dahil nanganganib ang mga ito sa kasalukuyang bilangan.

Upang ma-impeach si Arroyo, kailangan ng oposisyon ng 79 congressmen upang awtomatikong maipasa sa Senado ang reklamo.

Subalit dahil sa kabiguan ng oposisyon na maipanalo ang mayorya sa kanilang mga kandidato, malamang na isantabi na lamang ang ambisyong mapatalsik si Arroyo sa pamamagitan ng impeachment. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top