DAGDAG-BAWAS NANGANGAMOY NA

Pacquiao napaso sa pulitika

Oposisyon inaalaat sa congressional race

SC kumilos na sa Cayetano case


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Pacquiao napaso sa pulitika

(Bernard Taguinod/Mark Navales)


Mistulang napaso na sa pulitika si People’s Champ Manny Pacquiao dahil hindi na umano ito papasok sa mundong ito matapos makatikim ng knockout kay South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio.

Base sa mga report, nagpahayag umano si Pacquiao na hindi na muli itong papasok sa pulitika at itutuon na lamang nito ang kanyang atensyon sa kanyang boxing career.

Si Pacquiao ay pinaniniwalaang naimpluwensyahan lamang ng mga pulitikong nasa paligid nito kaya kahit wala pang karanasan sa pamamahala ay tumakbo sa congressional race sa unang distrito ng South Cotabato.

Subalit hindi sinuwerte si Pacquiao sa laban makaraang ilampaso ng kanyang kinakapatid na si Antonino-Custodio sa bilangan ng boto.

Maging ang Malacañang ay tanggap ang pagkatalo ni Pacquiao at sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na magiging aral ito sa mga sikat na tao na nagbabalak na pumasok sa pulitika.

Payo pa ni Ermita, dahil sa nangyari kay Pacquiao ay mapapatunayan na hindi lamang popularidad ang batayan ng publiko sa pagboto nila sa mga kandidato. "You can say that, na nag-iisip na rin ang ating mga botante," ani Ermita.

Samantala, sa huli datos na inilabas ng Namfrel, as of 8:30 kagabi, si Antonino-Custodio ay may 84,980 votes na kumpara sa 49,164 ni Pacquiao. Umaabot na umano sa 1,212 precinct ang nabibilang na boto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top