Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

2 kampon ng Malacañang, nagkainitan sa pera (Last Part)

(Rey Marfil)


Sa harap ng banggaan ng dalawang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang imahe at liderato ni Undersecretary (Usec) matapos paimbestigahan ng Malacañang ang nangyaring ‘kitaan’ sa campaign sorties, partikular ang pamemeke sa pirma ng mga tumanggap ng pera.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, nagsimula nang kumilos ang Malacañang para paimbestigahan ang nangyaring ‘padding’ sa gastusin ng Team Unity (TU) matapos lumabas sa blind item ang posibleng pagkakasangkot ni Undersecretary.

Nang makarating sa kaalaman ni Undersecretary ang imbestigasyong itinutulak ng Malacañang, kaagad itinuro bilang suspek ang kasamahan sa organisasyon at pinagbintangang promotor sa naglalabasang blind item laban sa kanya.

Ang malaking problema ngayon ni Undersecretary, isa-isa nang tinatanong ng Malacañang ang mga kongresistang nakalista bilang ‘proponent’ o tumanggap ng ‘special fund’ sa kampanya ng Team Unity (TU), partikular sa headquarters nito.

Kahit mapatunayan pang lehitimo ang request ng mga congressman o lumabas na genuine ang request, natatakot si Undersecretary na ilaglag ng mga nabiyayaan ng special fund lalo pa’t mala-Crocodile Dundee sa pork barrel ang mga deputado, as in napakatakaw sa pera at komisyon kung saan maaaring magsinungaling upang makakubra ng panibagong pondo.

Bago nagsagawa ng imbestigasyon ang Malacañang, nabistong pinipeke ni Undersecretary ang pirma ng mga kongresista na tumatayong host sa campaign sorties ng Team Unity, gamit ang isang voucher kung saan pinapalabas nitong merong ‘special request’ para sa gastusin ng kampanya ang mga ito.

Lingid sa kaalaman ng Malacañang, wala namang hinihinging alokasyon o pondo sa kampanya ang mga kongresista na tumatayong host bagkus libre ang kanilang pagtulong sa TU senatorial bets, as in kinakasangkapan lamang ni Undersecretary ang kanilang pangalan upang kumita ng P45,000 hanggang P70,000 bawat campaign sorties, sa pamamagitan ng voucher.

Clue: Walang utang na loob sa dating amo ang katunggali sa organisasyon, patunay ang pag-iwan kay Erap gayong kumita ng milyun-milyon sa panahong nakausap sa Office of the Vice President (OVP) ang detenidong Pangulo. Ito’y merong initial na "G" as in Gumanda ang buhay sa raket habang mala-kitchen wares ang porma ni Usec kung saan merong initial na "P", as in Pearly Shell from the Ocean.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top