|
NANUNOG NG ESKWELAHAN SA BATANGAS, MAY MUKHA NA MALAWAKANG VOTE-BUYING Pekeng ID, usisero sa canvassing SAF at armadong grupo nagratratan
|
CRIME
STORIES
NANUNOG NG ESKWELAHAN SA BATANGAS, MAY MUKHA NA (Lily Reyes/Bernard Taguinod) Inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang carthographic sketch ng dalawa sa lima kataong nanunog sa Pinagbayanan Elementary School sa Taysan, Batangas na nagresulta sa pagkamatay ng isang guro at poll watcher, at pagkasugat ng 10 katao kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, ang deskripsyon ng mga suspek ay base na rin sa testimonya ng kanilang mga saksi matapos hilingin ng Commission on Elections na imbestigahan ang nasabing kaso. Ayon sa ulat, ilang armadong lalaki ang nagpunta sa Precinct 76-A ng nasabing paaralan dala ang ilang bote ng softdrinks. Makalipas ang ilang sandali, ibinuhos ng mga suspek ang lamang gasoline ng mga bote ng softdrinks sa mga ballot boxes at sunod-sunod na nagpaputok ng baril kaya lumiyab ang apoy na nagresulta sa pagkakasunod ng eskuwelahan. Nataranta umano ang mga nasa loob ng polling precinct at nagtago sa loob ng banyo ang gurong si Nellie Banaag, 22 at poll watcher na si Leslie Ramos, 30. Natagpuang patay na ang dalawa kinaumagahan. Kaugnay nito, sa press statement na ipinadala ni Department of Education (DepEd) Secretary Jesli Lapus sa Kamara kahapon, humiling ito ng isang mabilisang imbestigasyon sa pagkamatay nina Banaag at Ramos. Nagpasaklolo rin sa Kongreso si Lapus na gumawa ng paraan para mabigyan ng proteksyon ang mga guro tuwing may halalan bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan sa pagganap ng tungkulin sa bayan. Kaugnay nito, sinaluduhan ni Senate President Manuel Villa rang kabayanihan ng mga taong tumulong para maidaos ang halalan. "Bukod-tangi ang kadakilaan ng mga guro na ang ilan ay nagbuwis ng buhay para lamang protektahan ang sagradong boto. Binibigyan ko rin ng pagkilala ang mga watchers, at iba’t ibang grupo na nagbantay sa mga presinto at ang taumbayan na sinigurong mabibilang ang kanilang boto. "The claim that the elections are peaceful ring hollow in the face of such unnecessary loss of lives. That is 143 persons too many. As a people we ought to hang our head in shame and sorrow," reaksyon naman ni House minority leader Francis "Chiz" Escudero sa datos na inilabas ng PNP kung saan 143 lamang ang namatay ngayong halalan kumpara sa 189 noong 2004 election. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|