KINORONAHAN ang 25-anyos na si Sandra Inez Seifert ng Negros Occidental bilang Miss Philippines-Earth 2009 noong Linggo nang gabi sa The Arena, San Juan City.
Si Sandra, na isang registered nurse, ang candidate #13 sa Bb. Pilipinas 2009 na na-disqualify matapos lumutang ang pagpo-pose niya sa isang panlalaking magasin.
“Magagaling sumagot ang Top 5 sa 9th Miss Philippines-Earth! Mainis man ang mga taga-Binibini, lumutang talaga si Sandra Inez!” sey ni Abu Tilamzik.
Ang Miss Philippines-Air 2009 ay ang 18-anyos na si Michelle Martha R. Braun ng Aklan.
Ang Miss Philippines-Water 2009 ay ang 23-anyos na si Catherine V. Loyola mula sa Filipino community ng Sydney, Australia.
Ang Miss Philippines-Fire 2009 at Miss Science and Technology ay ang 21-anyos na si Patricia Marie G. Tumulak ng Quezon City.
At ang Miss Philippines-Eco Tourism 2009 at Miss PAGCOR ay ang 21-anyos na si Adie S. Adelantar ng Victorias City, Negros Occidental.
|