Laro bukas:
(Tarlac State University gym, Tarlac City)
4 p.m. – Hapee Toothpaste vs Burger King
6 p.m. – Harbour Centre vs San Mig Coffee
Kuminang si Ford Arao para sa San Mig Coffee kahapon, nang igiya ang Coffee Kings sa 68-64 win kontra Toyota Otis Sparks at angkinin ang ikaapat at huling semis berth ng PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Oreta Sports Center sa Malabon City.
Tangan ang 64-40 abante, ang dating star player ng Ateneo ay kumamada ng dalawang krusyal na charities para selyuhan ang panalo at ibalik sa semis ang koponan.
Ito rin ang unang semis appearance ng San Mig Coffee (dating Magnolia Beverage) sapul nang magwagi ng titulo noong 2005 season.
Sina Bonbon Custodio at Niel Raneses ang namuno sa Coffee Kings na may tig-18 at 17 points, habang nagdagdag si Arao ng 10 points.
Makakaharap ng San Mig sa susunod na round ang No. 1 Harbour Centre.
|