Ipinamalas ni Dennis Orcollo kung bakit siya ang reigning world No. 1 sa larong bilyar, nang kahapon ay durugin niya ang bagitong si Eduardo Villanueva, 8-5 at kumatok sa knockout stage ng First Senate President Manny Villar Cup Billiards Tournament sa Sports Center ng StarMall Alabang sa Muntinlupa City.
Ang San Miguel Beer-Quezon City 9-Ball Championship at Japan 9-Ball Open ay nalubog muna sa 4-3 deficit bago tuluyang mag-init para sa ikalawang sunod na panalo sa P1 million-plus event.
Samantala, dahil sa patuloy na pag-iiringan ng dalawang paksyon sa bilyar, makikialam na ang Senado, sa pamamagitan ng pagpapatawag ng imbestigasyon.
Ang dalawang grupo -- Billiards & Snooker Congress of the Philippines (BSCP) at ang Billiards Managers & Players Association of the Philippines (BMPAP) ay sabay nagsagawa ng torneo.
Ang 1st Sen. Pres. Manny Villar Cup na tinatampukan ng mga manlalaro mula sa BMPAP ay ginaganap sa Muntinlupa, habang ang BSCP ay nagsasagawa rin ng isang international event sa Mandaluyong. |