May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  ‘Walang imposible’ - - Pacquiao
 
 
Tuloy na tuloy na nga ang 12-round encounter nina Manny Pacquiao at reigning WBC lightweight champion David Diaz sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.
Mismong si Pacquiao ang nagkumpirma ng naturang laban mula sa kanyang kolum na “Kumbinasyon”.
Ayon sa Filipino ring icon, pupunta na siya sa Wild Card gym kung saan naghihintay si Freddie Roach sa susunod na linggo, upang simulan ang seryosong paghahanda kay Diaz.
Sa kanyang paghamon kay Diaz sa mas mataas na timbang na 135-lbs, kumpiyansa si Pacquiao na kaya niyang lusutan ang pagsubok.
“Now, I am pushing myself to another level because I want to achieve greater heights. I know there is nothing impossible when you believe in God and you give your best in training for a fight,” lahad ni Pacquiao.
Sinasabi ng mga eksperto na mahirap ang gagawin ni Pacquiao na paglaban at manalo sa lightweight division, kung saan maging ang tinaguriang ‘The Great’ Flash Elorde ay nabigong gawin.
Subalit, para kay Pacquiao, walang imposible.
“Many say it will be something close to impossible because nobody has ever done it before, even the great Flash Elorde failed to win as a lightweight. Ang masasabi ko naman, there will always be a first time,” dagdag-paliwanag ng Pambansang Kamao.
Si Pacquiao ang kasalukuyang kampeon ng WBC sa junior lightweight division o 130-lbs, matapos niyang talu­nin at agawin kay Juan Ma­nuel Marquez ang titulo noong Marso.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES