STANDINGS
TEAMS W L
Red Bull 6 2
Talk ‘N Text 5 2
Coca-Cola 5 2
Sta. Lucia 4 3
Magnolia 4 3
Air21 4 3
Purefoods 2 4
Welcoat 2 5
Alaska 2 5
Brgy. Ginebra 1 6
Mga laro bukas: (Araneta Coliseum)
4:50 p.m.-Coca-Cola vs Magnolia
7:20 p.m.-Talk ‘N Text vs Welcoat
Sumandal ang Air21 sa 22-10 atake sa fourth & final
quarter upang senglutin ang Barangay Ginebra, 97-88, at ibuhol ang sarili sa triple logjam sa pang-apat sa katayuan sa pagpapatuloy ng 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fiesta Conference first round eliminations sa Araneta
Coliseum sa Quezon City kagabi.
Lubog sa tatlo, 75-78, patungo sa payoff period,
gumana ang mga galamay nina Steven Thomas, sinapawan
si Chris Alexander sa 37 points at 22 rebounds laban
sa 19 at 24 nito, Arwind Santos at Nino Canaleta para
tipahin ang 16 sa nabanggit na atake sa final canto na
nagbaon lalo sa Kings sa hulihan sa 1-6.
“Well, ang pinaka-bottomline namin sa game is to
control their transition offense especially their
backcourt with our transition defense plus also the
fact that our locals delievers against the small men
of Ginebra and our import held against (Chris)
Alexander,” kuwento ni Air coach Bo Perasol.
Sa nahaluan naman nang pagpapasibat sa 3:45 sa laro
kina Wesley Wilson at Adam Parada dahil sa fighting
foul, kumalasag ang Red Bull Energy Drinks sa mabangis
na second quarter tungo sa pagpulbos sa Sta. Lucia
Realty, 105-78, upang masolo ang tuktok sa 6-2 record
at hilain ang Realtors sa pagtabla sa pang-apat.
“We’’ll have to review the tape first to determine
kung tama ang tawag at classification sa mga nangyari.
Then we’ll make a decision on the proper sanction.
We’re calling the two parties tomorrow. It’s premature
to come out with a decision,” esplika ni PBA
commissioner
Renauld ‘Sonny’ Barrios. “It’s quite a serious
incident so the sooner we make a decision, the
better.”
Samantala, ilulunsad ng propesyunal na liga ang
opisyal na taunan nitong babasahing Hardcourt sa
Burger King ng Glorietta Mall sa Makati City ngayong
alas-kuwatro ng hapon.
Ang pinakabagong PBA annual ay magtatampok sa ika-32 o
taong 2006-07 ng liga sa liderato ng tagapangulong si
Victorico Vargas ng Talk ‘N Text na kasama sa pabalat
ang Most Valuable Player ng season na nabanggit na si
Willie Miller ng Alaska Milk.
Ang dalawa’y dadalo sa okasyon. Gayundin si
commissioner Barrios at ang iba pang mga manlalaro ng
10 koponan para pumirma sa mga panatiko.
|