May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


Gamit na gamit ang height
Inbound ni: Malou Aquino
 
Masayang umuwi ang Nokia-RP Youth Team sa pagsikwat ng kampeonato ng 7th Southeast Asian Basketball Association junior championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang naturang koponan ang magiging kinatawan ng bansa para sa Asian Championship na gagawin sa Tehran, Iran sa Setyembre, kasama ang runner-up Malaysia.
Balik-aksyon muna ang Youth team sa 2008 Nike Summer League.
***
Bagama’t walang superstar players sa Red Bull, matindi pa rin ang ipinapakita ng koponan. Katunayan, sa laro nito kahapon kontra Sta. Lucia, sa 1st quarter pa lang ay 11 points na ang abante ng Bulls.
Si Cyrus Baguio ang nangunguna sa atake ng team, katulong ang mahusay na import na si Adam Parada, na gamit na gamit ang kanyang taas na 7’1”.
Sa magandang ipinapakita ng Red Bull, sa tingin namin malayo ang mararating ng tropa ni coach Yeng Guiao.
***
Congratulation naman sa kaibigan na­ming si coach Nomar Isla ng Emilio Aguinaldo College na siyang napipisil para humawak sa Laguna Trace College Stallions sa 1st Liga ng Pilipinas na naka-set sa May 23-25, 2008 sa Cebu City.
At sa mga nais makapag­laro sa koponan ng Laguna, may try-out si coach Isla sa Trace Collge Los Baños Laguna sa May 9-11 sa ganap na alas-tres ng hapon.
For more informations, pls. call Mr. Ame Navarra tel. 049-536-1605 or cel 09174036203, o kaya si coach Mitch Tolention 0916564552.
***
Nakatakda namang ilunsad ang PBA Hardcourt magazine ngayong hapon (4 p.m.) sa Burger King sa Glorietta, Makati. Makikita sa naturang magazine ang pinaka-latest sa PBA at sa 32nd season nito, sa ilalim ng pamamahala ni TNT chairman Ricky Vargas, kasama si Alaska guard Willie Miller.
Kasama sa launching si PBA commissioner Sonny Barrios at sampung PBA players mula sa iba’t ibang koponan.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES