| GINEBRA ‘DI UMUBRA |
| Sumandal ang Air21 sa 22-10 atake sa fourth & final quarter upang senglutin ang Barangay Ginebra, 97-88, at ibuhol ang sarili sa triple logjam sa pang-apat sa katayuan sa pagpapatuloy ng 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fiesta Conference first round eliminations sa Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi. |
| CELTICS SA GAME ONE |
| BOSTON (AP) --- Hindi pinaporma ng Celtics sa kanilang teritoryo si LeBron James na pinatahimik sa 12 points, nang itala ng Boston ang 76-72 win kontra Cleveland, sa Game 1 ng kanilang semifinal series sa Eastern Conference. |
| ‘Walang imposible’ - - Pacquiao |
| Tuloy na tuloy na nga ang 12-round encounter nina Manny Pacquiao at reigning WBC lightweight champion David Diaz sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas. |
| Orcollo dinurog ang bagito |
| Ipinamalas ni Dennis Orcollo kung bakit siya ang reigning world No. 1 sa larong bilyar, nang kahapon ay durugin niya ang bagitong si Eduardo Villanueva, 8-5 at kumatok sa knockout stage ng First Senate President Manny Villar Cup Billiards Tournament sa Sports Center ng StarMall Alabang sa Muntinlupa City. |
| San Mig sumakay sa huling slot |
| Kuminang si Ford Arao para sa San Mig Coffee kahapon, nang igiya ang Coffee Kings sa 68-64 win kontra Toyota Otis Sparks at angkinin ang ikaapat at huling semis berth ng PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Oreta Sports Center sa Malabon City. |
| Pinoy Basketball, Pinoy Pride |
| ‘Di pa lumilipas ang isang linggo at ‘di pa tayo napapagod sa balita ang Fil-Am na si Erik Spoelstra ang bagong head coach ng Miami Heat, eto pa’t may bagong magandang balita na pandagdag pride na naman sa ating mga Pinoy basketball fans. |
| Gamit na gamit ang height |
| Masayang umuwi ang Nokia-RP Youth Team sa pagsikwat ng kampeonato ng 7th Southeast Asian Basketball Association junior championships sa Kuala Lumpur, Malaysia. |





