May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Hindi maramdaman ang pagmamahal
Romance Tonite ni: Tita Nora
 

Dear Tita Nora,
Tawagin mo na lang ako sa pangalang Rhea, 18 years old. Matagal na po akong sumusubaybay sa inyong love column. Sumulat po ako dahil gusto kong mapayuhan ninyo ako tungkol sa boyfriend kong si Pete. Seven years ang age gap namin. Bale 25 y/o na siya.
Magpo-four months pa lang kaming mag-boyfriend pero nakuha na niya ang aking pagkababae.
Mahal na mahal ko po siya Tita. Lahat ng kaya kong ibigay ay binibigay ko para sa kanya. Pero madamot po siya. Hindi man lang niya ako pinagbibigyan at hindi ina­alagaan. Pag lumalabas nga ako’y hindi man lang niya ako sinasamahan kasi may trabaho daw siya. Pag dumadaan din ako sa pinagtatrabahuhan niya ay hindi rin niya ako pinapansin. Hiyang-hiya na nga po ako sa mga kasamahan niya. Bakit ganu’n po siya sa akin.
Hindi ko maramdaman ang pagmamahal ni Pete sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Tama bang ako ang maghabol sa kanya? Tita payuhan mo naman ako.
Rhea
Dear Rhea,
Hindi masamang ipamalas ang tunay mong nararamdaman sa iyong boyfriend. Bilang karelasyon niya’y tama lang na iparamdam mo ang iyong pagmamahal. Gayunma’y bigyan mo rin ito ng limitasyon lalo na sa pagsuko agad sa iyong pagkababae.
Kung inaakala mong pinaglalaruan ka lang niya’t nade­dehado ka na’y hindi rin tamang ikaw pa ang maghabol sa kanya.
Timbangin mong mabuti ang sitwasyon, Rhea. Suriin mo rin kung nasa lugar ka minsan o nakakasagabal sa kanyang trabaho.
Kung sa palagay mo nama’y ‘ginagamit’ ka lang niya’y huwag mong hayaang tuluyang masira ang iyong kabataan at kinabukasan.
Napakabata mo pa para magseryoso sa isang relasyon. Nasa edad mo ding iyan ang kapusukan kaya iwasan mong ‘magpaubaya’ sa kanya lalo pa’t nagdududa ka pa.
Huwag mong panghinayangan ang isang lalaking tulad niya. Kahit mahal na mahal mo pa siya kung tingin mo’y wala naman siyang respeto at pagpapahalaga sa iyo’y huwag kang magpapatalo. Isip ang gamitin mo at huwag lagi ang puso.
Good luck and God bless you.
Love,
Tita Nora

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES