May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Hindi nakapagtataka
Editorial


Ang patuloy na pagsirit ng presyo ng pagkain at petrolyo ang nagtulak upang tumaas ang ating inflation rate na naitala sa 8.3 porsiyento.
Ang nasabing marka ay tumaas ng tatlong beses ngayong taon pa lamang.
Lumalabas kasi sa pinakahuling ulat ng National Statistice Office (NSO) na nitong buwan pa lamang ng Abril ay umakyat na sa 12 porsiyento ang itinaas ng presyo ng bilihin habang nitong Marso ay nasa 8.4 porsiyento.
Hindi na nakapagtataka ang pagtaas ng inflation rate dahil sa walang sawang pag-angkat ng ating gobyerno ng kung anu-anong produkto sa ibang bansa.
Sa kagustuhan kasing maipamalas ng administrasyong Arroyo na matatag ang ekonomiya ng bansa ay kung anu-anong pangma-magic ang ginagawa ng gobyerno.
Nariyang tiyakin matatag ang piso gayung bagsak na bagsak na at ipagpatuloy ang pag-aangkat ng kung anu-anong produkto lalo na ng pang-agrikultura gayung may kakayahan naman ang ating bansang tugunan ang kinakailangan nating supply kung bibigyan lamang ng pagkakataon at pondo.
Sobrang sama na ng sitwasyon ng ating gobyerno kaya’t kailangan nang harapin ng gobyerno ang katotohanang tuluy-tuloy na sa pagbagsak ang ekonomiya ng ating bansa kung hindi maagapan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES