May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Tiyan muna bago ChaCha
(Bernard Taguinod)
 

Bukod sa walang tiwala sa administrasyon ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo, mas importante para sa anak ni Makati Mayor Jejomar Binay na asikasuhin muna ng dalawang Kapulu­ngan ng Kongreso ang isyu sa pagkain at pambili ng pagkain ng mga Filipino bago ang Charter Change (ChaCha).
Ito ang tinuran ni Makati Rep. Abby Binay bilang reaksyon sa ChaCha na muling isinusulong ng Kongreso.
Ayon kay Binay, mas malaki ang problemang kinakaharap ngayon ng mga ordinaryong mamamayan kaysa sa isyu ng sistema sa gobyerno na pinoproblema ng mga lider ng bansa.
“We got more pressing and basic problems to deal with such as increasing rice and oil prices which should first be addressed and resolved instead of ChaCha issue,” ani Binay.
Ipinaliwanag ng mambabatas na gagalitin lamang ng mga lider ng bansa ang mga tao kapag ipinilit ang ChaCha habang kumukulo ang sikmura dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Subalit ayon kay House Speaker Prospero Nograles Jr., hindi maaapektuhan ng ChaCha ang regular na trabaho ng Kongreso.
“We will hold separate session so that the regular work of the Congress will not be affected,” pahayag ni Nograles kaya may sapat aniyang panahon ang Kongreso na asikasuhin ang pangangailangan ng sambayanan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES