Mismong ang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hindi nakakilala sa isang balikbayang kongresista dahil sa kanilang bahay lamang ito nagsesesyon kasama ang kanyang magandang misis.
Hindi lamang malaman kung walang tiwala ang mambabatas sa kanyang magandang asawa kaya hindi niya ito maiwanan pero ang taumbayan ang nagdudusa dahil sumasahod na hindi naman nagtatrabaho.
Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, dumalo sa isang okasyon ng mga kongresista sa labas ng Kongreso ang kumag na mambabatas bitbit ang kanyang misis.
Dahil marahil sa takot na aswangin o pagpistahan ng mga makasalanang mata ng mga barakong mambabatas ang kanyang misis, hindi na niya ito pinababa sa sasakyan pero binabantayan ng kanyang mga bodyguard.
Tiwalang-tiwala ang kumag na sikat pa rin siya dahil madrama ang kanyang pagpasok sa lugar na pinagdadausan ng okasyon ng mga kongresista pero nagkamali siya.
Walang pumansin sa mambabatas at pinagkamalan pang gatecrasher ng ilang baguhang mambabatas habang pumapasok sa pinagdadausan ng okasyon.
Mabuti na lamang at maliit ang kumag dahil halos lumubog daw ito sa kahihiyan dahil walang bumati sa kanya at hindi rin niya mabati ang mga nadatnang mga tao dahil hindi rin siya kakilala ng mga ito dahil hindi nagpapasok sa kanyang trabaho.
Masuwerte lamang ang mambabatas dahil mayroon pang mga dating kasamahan na nakaupo sa hulihang bahagi ang nakakilala sa kumag kaya mayroong bumati sa kanya.
Kulang na lamang na magpamisa daw ang mga kasamahan na iniwan ng kongresista sa Kamara noong Ika-12 Kongreso nang makita ito sa kauna-unahang pagkakataon.
Nangangahulugan na mismong ang mambabatas na ito ay hiyang-hiya na sa hindi pagpasok sa kanyang trabaho pero hindi pa rin nito maiwanan ang kanyang magandang misis sa kanilang bahay.
Clue: Marami ang naniniwala na pera ang dahilan kung bakit nakapangasawa ng maganda ang mambabatas na ito. Mayroon siyang inisyal na J as in katunog ng Juice.
|